Taas-suweldo ng kawani sa EO 64, hindi patas
Sa ilalim ng atas, may P530 umento sa suweldo kada buwan para sa Salary Grade 1 Step 1 sa unang taon ng implementasyon nito. Katumbas lang ito ng P24 kada araw na hindi sapat para makabili ng isang kilong bigas.
Binatikos ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), ang barat at hindi sapat nadagdag-suweldo na itinakda sa Executive Order (EO) 64 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng atas, may P530 umento sa suweldo kada buwan para sa Salary Grade 1 Step 1 sa unang taon ng implementasyon nito. Katumbas lang ito ng P24 kada araw na hindi sapat para makabili ng isang kilong bigas.
Matagal nang ipinananawagan ng mga empleyado ng pamahalaan ang P33,000 na suweldo para sa Salary Grade 1 habang P50,000 entry-level pay naman sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Bukod dito, hindi sakop ng EO ang mga job order at contract of service na kawani at mga empleyado ng government-owned and controlled corporations.
Mas maliit din ang tatanggapin ang dagdag-suweldo na ng mga kawani mga pamahalaang lokal na nasa mababang antas ng klasipikasyon kumpara sa mga kawani ng mga pambansang tanggapan ng gobyerno.
Ayon sa Courage, dapat nang ipagkaloob ng gobyernong Marcos Jr. ang na makatarungan at nakabubuhay na suweldo para sa lahat ng empleyado nito.