Tanggol-magsasaka sa Capiz, inaresto
Dinampot ng mga pulis at sundalo ang tanggol-magsasaka at dating bilanggong politikal na si Cirila Estrada, 62, at ang kasamahan niyang si Victor Pelayo, 54, noong Ago. 29 ng 7:00 a.m. sa bayan ng Pan-ay sa lalawigan ng Capiz.

Kasalukuyan silang nakakulong sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group Provincial Office sa Roxas City dahil sa gawa-gawang kaso.
Dati nang inaresto si Estrada noong 2010 at akulong ng dalawang taon dahil sa gawa-gawang kaso na ibinasura ng korte noong Abril 2012.
Kasama na sina Estrada at Pelayo sa mahigit 750 bilanggong politikal sa bansa na sanhi ng pag-uusig ng kasalukuyan at mga nakaraang administrasyon.
Sa tala ng human rights watchdog na Karapatan, 103 ang naaresto sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. Mga aktibista at manggagawang miyembro ng mga organisasyong ni-red-tag ng gobyerno ang kadalasang nagiging target ng mga pang-aarestong ito.
Nananawagan ang iba’t ibang grupo na palayain sina Estrada at Pelayo at ang iba pang bilanggong politikal sa bansa.