Kaso vs lider ng tigil-pasada, ipinababasura


Iginiit ng Piston na gawa-gawa at labag sa karapatan sa pagpapahayag at pag-oorganisa ang paghahabla sa mga lider ng transport strike. Nagmula umano ang kaso sa tigil-pasada noong Ago. 14.

Nagprotesta ang iba’t ibang progresibong grupo nitong Nob. 14 sa labas ng Quezon City Hall of Justice kasabay ng pagbasa ng sakdal sa kasong paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985 laban sa mga namuno sa transport strike laban sa Public Transport Modernization Program (PTMP).

Sinampahan ng paglabag sa patakarang “no permit, no rally” sina Piston president Mody Floranda, Piston deputy secretary general Ruben Baylo, Kadamay secretary general Mimi Doringo, Manibela chairperson Mar Valbuena at Manibela member Reggie Manlapig.

Iginiit ng Piston na gawa-gawa at labag sa karapatan sa pagpapahayag at pag-oorganisa ang paghahabla sa mga lider ng transport strike. Nagmula umano ang kaso sa tigil-pasada noong Ago. 14.

Ayon sa mga grupo, politikal na panunupil at pagpapatahimik ang ginagawa ng administrasyong Marcos Jr. sa lehitimong panawagan ng mga tsuper, opereytor at maralita laban sa makadayuhan at makanegosyong modernisasyon.