Jose Maria Sison Legacy Museum, binuksan sa Netherlands
Pinasinayaan sa Utrecht, The Netherlands ang isang bagong museo na nagdadakila kay Jose Maria “Joma” Sison, yumaong rebolusyonaryo at tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines.
Pinasinayaan sa Utrecht, The Netherlands ang isang bagong museo na nagdadakila kay Jose Maria “Joma” Sison, yumaong rebolusyonaryo at tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines.
Binuo ng JMS Legacy Foundation, laman ng paunang eksibisyon ang mga aklat, dokumento, kagamitan at mga ‘di pa nakikitang retrato mula sa personal na koleksiyon in Sison at ng kanyang kabiyak at kasamang si Julie de Lima.
“Laging masigla si Propesor Sison sa pagtatalakay sa mga kabataang Dutch tungkol sa pangangailangan ng pagbabago sa lipunan,” ani Dr. Mario Fummerton, guro sa Center for Conflict Studies sa University of Utrecht.
Madalas imbitahan ni Fummerton si Sison na magbigay ng lektura sa kanyang klase, bagay na madalas namang pinaunlakan ng rebolusyonaryo.
Sa Utrecht na nanirahan si Sison matapos kanselahin ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas ang kanyang pasaporte noong 1987 habang siya’y nasa lecture tour sa iba’t ibang unibersidad sa Europa.

Naging political refugee siya sa The Netherlands, humarap sa samu’t saring harassment mula sa maraming gobyerno habang siya’y palagiang nagsusulat at gumagabay sa mga rebolusyonaryong Pilipino.
Pumanaw siya noong Dis. 16, 2022 sa edad na 83 dahil sa iba’t ibang komplikasyon noong siya’y nasa ospital.
Sold out ang tickets para sa araw ng pagbubukas, kung saan kapwa beterano at kabataang aktibista, tagasuporta at kaibigan ang mga dumalo. Tampok ang mga bidyo ng mga lumang panayam kay Sison, panahon niya sa China para pag-aralan ang sosyalismo ni Mao Zedong,
Ayon sa JMS Legacy Foundation, magbibigay ang eksibisyon ng “pambihirang pagkakataon para masilayan ang buhay ni Ka Joma, rebolusyonaryo, internasyonalista, respetadong intelektuwal ng masa, at kilalang makata.”
“Tinatahi ng museo ang kasaysayan ng pakikibaka ng mamamayan sa buhay ng isa sa mga pinakamasigasig nitong tagapagtaguyod. Inaanyayahan nito ang lahat ng kalahok na pag-aralan ang buhay ni Ka Joma at unawain kung paano makakapag-ambag ang bawat isa sa pagbabago ng daigdig,” paliwanag ng grupo.
Ngayong Oktubre, magbubukas ang JMS Legacy Museum para sa mga walk-in at guided tour. Makipag-ugnayan lang ang mga interesado sa JMS Legacy Foundation.