Sensura laban sa Tinig ng Plaridel, inalmahan
Inalmahan ng University of the Philippines College of Media and Communication ang pagtatangka ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group na isensura ang opisyal na publikasyon mga mag-aaral ng kolehiyo.
Inalmahan ng University of the Philippines College of Media and Communication (UP CMC) ang pagtatangka ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na isensura ang opisyal na publikasyon mga mag-aaral ng kolehiyo.
Ito’y matapos hilingin ng PNP-ACG noong Nob. 11 na tanggalin ng X (dating Twitter) ang isa sa mga post ng Tinig ng Plaridel.
Ang nasabing post ay nagpapakita na sinusunog ang kopya ng subpoena na ipinadala ng mga awtoridad kay UP Diliman University Student Council chairperson Joaquin Buenaflor.
Nanaig naman ang Tinig ng Plaridel na parte ito ng kanilang coverage sa mga protesta laban sa korupsiyon at atake ng estado laban sa mga kabataang kritikal sa mga abuso sa gobyerno.
Sa isang pahayag, pinagtibay naman ng UP CMC ang naunang pahayag ng Tinig ng Plaridel. Anila, ang nasabing post ay hindi nag-uudyok ng karahasan o lumalabag sa pamantayan ng digital platform na X.
“Rather, it constitutes protected expression under the constitutional guarantee of press freedom and the Campus Journalism Act of 1991, which upholds the role of student publication in fostering responsible and independent reporting,” sabi nito.
“We remind all parties that under Article III, Section 4 of the 1987 Philippine Constitution, “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press’,” dagdag pa ng UP CMC.
Idiniin din ng UP CMC na ang Campus Journalism Act of 1991 ay nagtataguyod ng awtonomiya ng mga publikasyon ng mga mag-aaral at ng kanilang tungkuling paunlarin ang kritikal na pamamahayag sa loob ng mga akademikong institusyon.
“Efforts to remove or suppress such content-—especially when prompted by state actors—risk setting a dangerous precedent for censorship and the erosion of press freedom. They also undermine the pedagogical mission of journalism education, which depends on students’ ability to engage with real-world issues, exercise editorial judgment, and uphold the public’s right to know,” ayon sa kolehiyo.
Samantala, nagpahayag din ng katulad na suporta sa Tinig ng Plaridel ang UP Solidaridad, pinakamalawak na alyansa ng publikasyon at mga organisasyon ng manunulat sa UP.
Anila, ang panliligalig sa pahayagan ay direktang atake sa kalayaan sa pamamahayag at karapatan sa malayang pagpapahayag.
Dagdag pa nito, ang saklaw ng publikasyon ng aksyong-protesta, na tumutuligsa sa kalupitan at karahasan ng pulisya ay nasa loob pa rin ng mga hangganan ng etikal at responsableng pamamahayag.
“For the PNP-ACG to label it otherwise is to distort the very principles of genuine reportage and people’s right to information,” dagdag ng organisasyon.
Nagpahayag din ang suporta ang UP Solidaridad sa iba pang mamamahayag pangkampus na kumakaharap din ng banta, pananakot at pagbabantay ng estado.
“We also stand with the publication as it explores all legal avenues to resist this attack. This incident calls for accountability from state forces and reaffirms the urgent passage of the Campus Press Freedom Bill, which seeks to protect student journalists from exactly these forms of repression,” dagdag pa nito.