‘Ghost’ OFW shelters sa Taiwan, binatikos


Nilantad ng isang Pilipino-Amerikanong misyonerong pari sa Taiwan ang kawalan ng shelter ng gobyerno para sa mga inabusong overseas Filipino worker matapos sabihin na pondo para dito ang Department of Migrant Workers.

Inilantad ng mga organisasyong kumakalinga sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan ang kawalan ng mga shelter para sa mga inabusong OFW sa Taiwan matapos sabihin ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na may P5 milyon pondo ang mga ito.

Ayon kay Fr. Joy Tajonera, isang Pilipino-Amerikanong misyonerong paring Maryknoll at matagal nang naglilingkod sa mga OFW sa Ugnayan shelter sa Taiwan, ang P2.9 milyon sa nasabing pondo ay napupunta umano sa Migrant Worker’s Office shelter sa Taipei. Samantala “non-operational” o nakasarado naman ang sinasabing shelter ani Tajonera sa Daily Tribune.

Sa isang panayam kay Tajonera sa Pinoy Weekly, ipinaliwanag niya na marami pang hindi nasasagot na tanong ang gobyerno ukol sa paano ginagastos ang taunang pondong ito.

“Ilang OFW ba ang natutulungan niyan? Ano’ng mga serbisyo? Sino ang manager ng shelter? Ano ang breakdown ng mga gastusin?”

Tiniyak naman ng DMW na iimbestigahan ang isyu. Ang Ugnayan shelter ay nakakatanggap din ng suporta mula sa gobyerno pero buwan-buwan itong naglalabas ng ulat sa mga gastusin. Nararapat umano na may katulad na ulat din ang gobyerno.