Tahana’t kabuhayang sinira ng bagyo’t langis


Patuloy pa ring lumalaban nang patas ang mga mangingisda ng Tanza. Sa kabila ng lahat ng kinakaharap, nasisikap pa rin sila sa hanapbuhay na nakasanayan.

Sa Cavite, apektado ang komunidad dahil sa kumalat na oil spill sa Manila Bay noong 2024. Namamatay ang mga isda dahil sa langis na kumalat sa tubig, apektado rin ang hanapbuhay ng mga mangingisda doon.

Mga bahay na nasalata ng Bagyong Uwan sa Tanza, Cavite. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Tumagilid ang oil tanker na MT Terranova na pagmamay-ari ng Shogun Ships Corporation na subsidiary ng San Miguel Corporation noong Hulyo 25, 2024.

Mga mangingisda tinutulak ang kanilang bangka sa dagat para manghuli ng isda. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Natapon sa dagat ang mahigit 1.4 milyong litro na industrial fuel. Mula sa Limay, Bataan, kumalat ito iba’t ibang baybaying sakop ng Manila Bay kabilang ang Cavite.

Isdang natuyo sa dalampasigan ng Tanza, Cavite. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Timaaan ang mga dalampasigan ng Bacoor City, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate. Nagdeklara ng state of emergency ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite. Apektado rin ang kabuhayan ng mga nakatira malap??it sa baybayin na karamiha’y mangingisda.

Mga mangingisdang hinahanda ang mga lambat para sa susunod na pamamalaot. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Bago pa ang oil spill, sinasakal na sila ng proyektong reklamasyon ng gobyerno at malalaking negosyo. Hindi na nga natulungan ng pamahalaan ang kanilang hanapbuhay, pininsala pa ang kanilang mga bahay ng mga sunod-sunod na bagyo.

Isang residenteng pinapatibay ang mga harang para hindi pumasok ang baha sa kanilang bahay. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Bagaman yari sa bato ang mga bahay, nasira pa rin ito sa dahil sa matinding pinsala ng mga bagyong dumaan na pinalala pa dahil sa reklamasyon na ng nagbigay konsumisyon sa mga residente sa Tanza.

Mga batang naglalaro malapit sa mga nasirang bahay dahil sa Bagyong Uwan sa Tanza, Cavite. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Noong Nobyembre 2025, nasalanta ang mga residente ng Tanza dahil hagupit ng Bagyong Uwan. Tuluyang nasira ang mga bahay na malapit sa dalampasigan, pati ang mga coastal wall.

Mga residenteng tulong-tulong na pinapatibay ang mga seawall sa Tanza, Cavite. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Naging doble ang pasakit na ginawa ng MT Terranova oil spill. Sinakal ng itim na langis na kumalat sa 50 kilometrong baybayin ang kabuhayan at buhay ng buong komunidad.

Bahay na nasira dahil sa malakas na alon ng dagat dahil sa Bagyong Uwan. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Sabi ng kompanyang may-ari sa MT Terranova, bibigyan ng pinansiyal na tulong ang mga apektadong mangingisda. Kahit kalauna’y nalinis ang langis sa dagat, wala namang humpay ang reklamasyon na ginagawa sa Manila Bay.

Mga mangingisda naglalayag para sa kanilang huli sa Tanza, Cavite. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Ayon sa mga mangingisda sa Cavite, hindi na sila makapalaot dahil pinagbawalan sila ng Coast Guard. Hindi na sila makahuli ng balde-baldeng isda dahil sa dredging na ginawa sa Manila Bay.

Dalampasigan sa Tanza, Cavite. Zedrich Xylak Madrid/Pinoy Weekly

Hustisya ang hiling ng mga residente sa Tanza, hindi panandaliang tulong. Giit nila na panagutin ang Shogun Ships Corporation at San Miguel Corporation.

Patuloy pa ring lumalaban nang patas ang mga mangingisda ng Tanza. Sa kabila ng lahat ng kinakaharap, nasisikap pa rin sila sa hanapbuhay na nakasanayan.