Migrante

Mga Larawan: Sa kabila ng krisis sa Libya, gobyernong Aquino abala sa pag-engganyo sa Pinoy na mangibang-bansa

Sa kabila ng krisis sa Libya, naglunsad pa ng Job Fair ang gobyernong Aquino noong Pebrero 25 sa POEA para pang-engganyo sa madla na mangibang-bansa.

Sa paggunita sa ika-25 taong anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA, naglunsad ang gobyernong Aquino ng Job Fair sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) sa EDSA corner Ortigas Avenue para manghikayat sa madla na mangibang-bansa. Samantala, nananatiling tahimiki si Aquino sa hiling ng mga manggagawang Pinoy na makabuluhang dagdag-sahod. (Darius Galang)

Siksikan sa POEA ang mga taong naghahanap ng trabaho. (KR Guda)

Maraming kabataan ang gustong mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa trabahong may makabuluhang sahod sa sariling bansa. (KR Guda)

Makikita sa flyers ang iniaalok ng mga recruitment agencies na trabaho sa Tripoli, Libya -- sa kabila ng tumitinding krisis pampulitika doon na nagdadala sa panganib sa libu-libong Pilipino doon. (KR Guda)