Komunidad ng Muslim sumuporta sa pagtutol sa giyera ng agresyon sa Gitnang Silangan
Nakiisa ang komunidad ng mga Muslim sa pagkokondena ng panibagong imperyalistang agresyon ng US sa gitnang Silangan. Bitbit ang panawagang “Stop the War! Stop US-NATO Intervention in Libya!” na nakasulat sa salitang Arabo, umikot ang isandaang katao sa Libya Street sa Tandang Sora, Quezon City matapos ang pagdsarasal mula sa kanilang mosque. Ito ay para […]
Nakiisa ang komunidad ng mga Muslim sa pagkokondena ng panibagong imperyalistang agresyon ng US sa gitnang Silangan.
Bitbit ang panawagang “Stop the War! Stop US-NATO Intervention in Libya!” na nakasulat sa salitang Arabo, umikot ang isandaang katao sa Libya Street sa Tandang Sora, Quezon City matapos ang pagdsarasal mula sa kanilang mosque. Ito ay para makiisa sa panawagan ng Migrante International na labanan ang kasalukuyang agresyon ng US sa bansang Libya at mga karatig na bansa rito kasama ang Syria.
Muling nanghimasok ang US sa gitna ng namumuong giyera-sibil sa Libya. Ngunit batid ng Migrante na pagkontrol sa langis sa bansa at maging sa rehiyon ang motibo ng US sa atake ng agresyon. Ito mismo ang dahilan ng pagtutol ni Muammar Gaddafi, lider ng Libya – na hindi magpasailalim ng imperyalistang kontrol.
Matatandaang ang kaunaunahang atake ng US-NATO sa gitnang-silangan ay nangyari sa anibersaryo ng giyera ng agresyon at pagsakop sa bansang Iraq noong 2003.
Panawagan ng Migrante International sa mga OFWs na nasa gitnang-silangan, partikular sa Libya at Syria, maging ang mga Pilipinong nagnanais ng katahimikan, na kondenahin ang imperyalistang giyera ng agresyon sa rehiyon at ang pagsuporta ng Pilipinas sa hakbangin ito, na dumudulo sa pagbuhos ng dugo para lamang sa langis.
Bahagi rin ang kilos-protesta sa ilang mga kaganapan sa komunidad ng mga Muslim sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan ngayong araw.