Romansang John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez, tuloy
NANG makita at makausap namin si John Lloyd Cruz kamakailan sa shoot ng pinakabago niyang edisyon ng isang pizza pie, lantad na lantad sa kanyang mga mata ang kaligayahan nang ikumusta at itanong namin sa kanya si Ruffa Gutierrez. “She’s fine. She’s okay,” pahayag ni John Lloyd na nakangiti. Kasama namin sa mga pagkakataong ‘yon […]
NANG makita at makausap namin si John Lloyd Cruz kamakailan sa shoot ng pinakabago niyang edisyon ng isang pizza pie, lantad na lantad sa kanyang mga mata ang kaligayahan nang ikumusta at itanong namin sa kanya si Ruffa Gutierrez. “She’s fine. She’s okay,” pahayag ni John Lloyd na nakangiti.
Kasama namin sa mga pagkakataong ‘yon ang kanyang orihinal na discoverer na si Reggie Pecayo.
Si Reggie ang nakatuklas kay Cruz sa Sta. Lucia East Mall sa may Cainta, Rizal noong 1996 habang papasok sa sinehan ang magiging aktor para manood ng “Magic Temple” ni Peque Gallaga at bituin sina Mark Solis, Junnel Hernando at Justin Simoy.
Pero napunta nga sa ABS-CBN ang pamamahala ng career ng mahusay na aktor.
Hindi nga ba’t kaarawan ni John Lloyd noong ika-24 ng Hunyo kaya naman naisipan ni Reggie na bigyan ng regalo ang kanyang discovery?
Nasa Amerika pa noon si Cruz kaya ipinagpaliban ni Pecayo ang paghahandog ng kanyang birthday gift sa bituin.
Nang bumalik na nga si John Lloyd at mag-shoot ng commercial sa C.P. Tinga Sports Complex ay saka na lang dinala ni Pecayo ang kanyang regalo sa aktor.
***
Sa pagitan ng kuwentuhan nina Reggie at John Lloyd at pakikipagpiktoryal ng fans sa kanila at pakikipag-ugnayan ng Provill, ang production company na gumagawa ng advertisement para sa TV, isinisingit namin ang mga tanong tungkol kay Ruffa.
“Totoo bang kayo na talaga?”
“A, wala ‘yon,” pakli ni Cruz.
“Pero nagkausap na kayo ni Annabelle Rama?” tanong namin.
“A, opo. Tapos nap o ‘yon,” pahayag ni John Lloyd.
Pero sinundan pa namin siya sa aircon na upisina kung saan siya nagpapahinga sa pagitan ng shoot.
At dito niya ipinagpatuloy ang mas mahaba-haba at mas masabaw na sagot sa aming mga tanong.
***
Totoo aniya na nagkausap na sila ni Annabelle at maganda ang resulta noon. “Kasama ko pa po sa meeting sina Mr. M (Johnny Manahan) at Tita Mariolle (Alberto, ang assistant ni Mr. M). Nando’n din si Tita Eddie (Gutierrez). Siyempre, nando’n si Ruffa. Masaya.
“Pero ano lang naman po ‘yon, para lang makilala ako ni Tita Annabelle nang mabuti. Hindi naman kami madalas magkita no’n at gusto lang talaga niya akong makilala nang lubusan.
“Hindi naman ako nagtatago ng anuman. Basta para sa akin, mas maganda na rin ‘yon na makilala niya ako nang mas malalim at mas malawak,” pahayag ni Cruz.
Wala naman anyang dapat ipagbati sa kanila ni Rama dahil wala namang away sa kanilang pagitan.
“Hindi naman po ito ‘yong tipong reconciliatory meeting. Kasi, wala naman kaming pinag-aawayan ni Tita Annabelle. More of getting to know each other better lang talaga,” pagdidiin ng aktor.
***
Sinabi ni John Lloyd na ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa US at halos magkasunod lang sila ng kumpleanyo ni Ruffa.
Aminado ang batang aktor na talagang nagsama sila ni Gutierrez sa ibang bansa at namili sila sa mga department store do’n.
Bale-wala rink ay John Lloyd ang mga balitang si Ruffa ang tour guide niya sa ibang bansa dahil totoo naman at walang masama kung ang isang babae na sanay na sa pasikut-sikot ng Amerika ay magturo sa isang lalaki na hindi naman laging nagtutungo sa ibayong-dagat.
Sinabi ni John Lloyd na masaya ang samahan nila ni Ruffa dahil sa pareho silang talents ng ABS-CBN.
***
Ayon sa aktor, ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa Estados Unidos sa piling ng ibang bababe.
Ito ay pagkatapos na magsama sila ni Ruffa sa pamimili at pamamasyal.
“Sa birthday party ng anak ng isang kaibigan ko sa States ako nag-birthday. Actually, nagkita kami ng ex ko ro’n. Tapos, birthday nga ng anak ng common friend namin kaya do’n na lang kami nag-celebrate.
“Simple party lang. Basta mai-celebrate lang,” pahayag ni John Lloyd.
Kasi, nagbigay na sa kanya ng pasinaya ang ABS-CBN bilang isa sa mga June birthday celebrator ng kumpanya.
***
Ang iniregalo naman ni Reggie sa kanyang dating alaga ay nakabalot sa isang makintab na wrapping paper at ribbon na halos kawangis ng kulay ng pizz pie na iniendorso ni John Lloyd.
Pinipilit na nga naming pabuksan kay Cruz ang iniabot na alaala ni Pecayo pero ang sabi ng aktor ay pagdating na lang sa kanilang tahanan bubuksan ang b-day gift.
Matagal na ring hindi nagkita sina John Lloyd at Reggie at naikuwento nga ng talent scout na maysakit ang kanyang ama.
Nakakaiyak na mga kuwento ng pangangailangan ang inilahad ni Pecayo sa dating alaga kaya ibinigay na lang ng aktor ang kanyang cell phone number sa kanyang pinagkakautangan ng loob.
***
Samantala, mabunying inilunsad ng Cultural Center of the Philippines ang “!3 Artists Awards 2009” na binubuo ng labintatlong alagad ng sining sa installation art.
Ang isa sa mapapalad na nagwagi ay ang direktor sa pelikula na si Raya Martin.
Kilala na naman ninyo si Raya, ang batambatang direktor na nagdirek ng premyadong “Indio Nacional” na itnanghal noong 2006 sa Cinemanila International Film Festival ni Tikoy Aguiluz.
Ikalawang full-length feature film ni Martin ang “Now Showing” na binigyan ng pagkakataon ng 2008 Cannes Film Festival sa Cannes, France na maipalabas sa Directors Fortnight.
At noon namang nakaraang Mayo ay dalawa ang itinanghal na obra ni Raya sa 62nd Cannes Film Festival, ang “Independencia” para sa Directors Fortnight uli at ang “Manila,” ang dalawahang yugto na pelikula na kasama niya sa direksyon si Adolf Alix, Jr.
***
Inamin ni Raya na iba ang kanyang pelikula sa kanyang installation art.
“Kung ano ang hindi ko naipakita sa pelikula ay ginagawa ko sa art ko,” pahayag ni Martin.
Ang nanalong lahok ng direktor sa “13Artists Awards” ay ang nakadispley sa isang sulok na madilim.
Pagpasok mo sa kuwartong nakukurtinahan ng itim na mga tela ay maririnig mo ang bukas na TV set na Philippine Basketball Association o PBA games ang ipinalalabas.
Nakaumang sa paningin ng tagapanood ang likod ng TV set kung saan may nakaharap namang sofa sa screen.
Nakabantay sa isang sulok ang isang bulldog.
Tinanong namin si Raya kung simboliko ang malaki at higanteng aso ng pagkaistrikto ng sensura sa bansa.
“No. The dog symbolizes a man’s life. Kasi, kung mapupuna mo, ang mga tapes sa tabi ng TV set ay mga sports at porn. Kasi, it is the expression of my other self, the man in me,” pahayag ni Raya.
***
Ang iba pang alagad ng sining na kasama sa “13 Artists Awards 2009” ay sina Iggy Rodriguez na nakakakilabot ang mga effigy na ginagawa sa pulitikal na pananaw nito.
Kabilang din sa mga artista sina Buen Calubayan, Don Djerassi Dalmacio,, Christina Dy, Kawayang de Guia, Racquel de Loyola, Patricia Eustaquio, Winner Jumalon, Don M. Salubayba, Jaypee Samson, Pamela Yan-Santos at MM Yu.
Post-modernismo ang kanilang ipinamamarali lalo na at ang pagsasanib ng iba’t ibang pormang pansining at isasaalang-alang.
Sana ay maging bahagi rin sila ng showbiz para makamana naman ng iba pang anggulo at estilo ang mga taga-pelikula para lalo pang hangaan sa ibang bansa.
***
Dumalo sa art exhibit si Orestes Ojeda, ang guwapong aktor na ngayon ay nahuhumaling sa sining ng pagpinta.
Ayon kay Jotay, talent manager ng bandang Brown Man Revival, nandoon din si Alessandra de Rossi na mahiligin din pala sa mga sining.
Pati na ang ilang mga katrabaho ni Raya sa showbiz ay nandoon din kaya naman malaki ang kanyang pag-asa na magiging matagumpay ang kanyang mga pagtatanghal, sa pelikula man o sa installation art.
Samantala, ang organizer naman ng pagtatanghal na si Karen Ocampo Flores ay natutuwa sa tagumpay ng kanilang paglulunsad.
Nasa ikaapatnapung taon nap ala ang “13 Artists Awards” at marami nang napatunayan ang timpalak na ito.
“We just have to say they’re art kahit ano pa ang medium. Kasi, walang branding dapat. Lahat ng mga ito ay sining,” katwiran ni Karen.
***
Binigyan naman nina Maria Isabel Lopez, Liz Alindogan at scriptwriter Rei Nicandro ng isa pang victory party si Brillante Mendoza kaugnay sa pagwawagi ng huli ng Palm d’Or Best Director sa ika-2009 Cannes Film Festival sa Cannes, France para sa pelikulang “Kinatay (The Execution of P).”
Sa Techno Wave ginanap ang pagdiriwang at dinaluhan nina Nonoy Lauzon, Art Tapalla, Lou Gopez, GA Villafuerte, William Reyes, Allan Paule, Ed Instrella, Regio Flores ng “Rated K” at marami pang iba.
Mabuhay si Dante Mendoza!