Video: Agno (Cordillera People’s Alliance at ST Exposure)


Video na pinrodyus ng Cordillera Peoples Alliance at Southern Tagalog Exposure noong 2002. Ang dokumentaryong ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng Agno River sa mga mamamayan ng Itogon, Benguet at Pangasinan at kung paano naging banta ang San Roque Dam Project sa karapatan sa lupa at kabuhayan ng mga mamamayan. Kamakailan, noong pagdating ng bagyong […]

Video na pinrodyus ng Cordillera Peoples Alliance at Southern Tagalog Exposure noong 2002.

Ang dokumentaryong ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng Agno River sa mga mamamayan ng Itogon, Benguet at Pangasinan at kung paano naging banta ang San Roque Dam Project sa karapatan sa lupa at kabuhayan ng mga mamamayan.

Kamakailan, noong pagdating ng bagyong Pepeng sa Hilaga at Gitnang Luzon, nakita ang panganib ng San Roque Dam sa mga mamamayan. Itinuturo ang dam bilang pangunahing dahilan ng matinding pagbaha sa Gitnang Luzon, laluna sa Pangasinan. (Basahin ang artikulong ito sa Pinoy Weekly Online)