PROTESTA NG KABABAIHANG MAGSASAKA. Nagprotesta sa harap ng Department of Agriculture noong Enero 18 ang mga kababaihang magsasaka sa ilalim ng Bantay Bigas laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.Sa kabilang banda, murang-murang naman anila, ang presyo ng palay na binibili sa mga magsasaka. Nagpahayag rin ng pakikiisa ang mga kababaihang magsasaka sa isinasagawang “Pambansang Lakbayan ng Anakpawis Para sa Lupa at Katarungan” ng mga magsasaka sa buong bansa. Ang lakbayan ay pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas bilang bahagi ng paggunita sa ika-23 anibersaryo ng Mendiola Massacre. (Soliman A. Santos)
Sa paggunita ng World Rural Women’s Day, nagpiket ngayong araw sa harap ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang halos 30 kababaihang magsasaka mula sa Brgy. Mascap, Montalban, Rizal na kabilang sa mahigit isang libong magsasakang pinapalayas ng mga Araneta, pamilya ni Kal. Mar Roxas ng Department of Transportation and Communication. Kasama ng […]
Sa pagdiriwang ng International Rural Women's Day, kababaihang magbubukid na inagawan ng lupa ng katambal noong eleksiyon ni Pangulong Aquino ang nanawagan ng tunay na reporma sa lupa.
Para sa kababaihang magsasaka sa ilalim ng Amihan, walang nagawa si Pang. Benigno Aquino III sa unang 100 araw niya. Hindi umano nanindigan si Aquino para sa tunay na repormang agraryo, kahit na sa mismong lupaing pag-aari ng kanyang pamilya na Hacienda Luisita.