Pagpaslang sa mamamahayag, aktibista sa huling mga araw ni GMA, ikinabahala


Ikinabahala ng iba’t ibang grupo ang pagpaslang sa mga mamamahayag at aktibista, ilang linggo bago pormal na bumaba sa puwesto si Pangulong Arroyo at mailuklok sa poder si president-elect Benigno “Noynoy” Aquino III. Noong Hunyo 14, isang miyembro ng Bayan Muna, si Benjamin Bayles, ang binaril at pinatay sa Barangay Suay, Himamaylan City sa Negros […]

Ikinabahala ng iba’t ibang grupo ang pagpaslang sa mga mamamahayag at aktibista, ilang linggo bago pormal na bumaba sa puwesto si Pangulong Arroyo at mailuklok sa poder si president-elect Benigno “Noynoy” Aquino III.

Noong Hunyo 14, isang miyembro ng Bayan Muna, si Benjamin Bayles, ang binaril at pinatay sa Barangay Suay, Himamaylan City sa Negros Occidental. Samantala, noong Mayo 19, binaril din at pinatay si Jim Galez, miyembro ng regional secretariat ng Bayan Muna, sa daan patungong Barangay Little Panay, Panabo City sa Davao.

“These killings happening during the 11th hour of the Arroyo administration raises alarm among human rights advocates. We know that a climate of impunity has exited under the Arroyo regime, but for more killings to happen even when Arroyo is on her way out, it’s a reminder how this government has failed to uphold human rights even to the end,” sabi ni Renato Reyes Jr., pangkalahtang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Samantala, pinaslang din ang dalawang mamamahayag sa loob ng 24 oras. Noong Hunyo 14, binaril at pinatay ang brodkaster ng Sunshine FM na si Desiderio Camangyan sa Manay, Davao Oriental. Kinabukasan, binaril at pinatay naman si Joselito Agustin, brodkaster ng dzJC Aksyon Radyo-Laoag.

Ayon sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP), “With only days left before the end, it seems as if the (Arroyo) regime is not content with leaving quietly. It seems as if it wants to impress upon us its legacy of human rights violations.

Sinabi naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na ipinapakita ng pagpaslang kina Camanyang at Agustin na nananatiling malakas ang loob ng mga “kaaway ng malayang pamamahayag” na hindi sila mapaparusahan kahit sa ilalim ng bagong administrasyon.

Nanawagan ang Bayan, CEGP, at NUJP kay Aquino na gawing prayoridad ang pagdepensa sa karapatang pantao at kalayaan sa pamamahayag.

“Nothing makes a stronger case for our contention that there can be no honeymoon on justice for president-elect Noynoy Aquino,” ayon sa NUJP.

Iginiit naman ni Reyes na dapat paimbestigahan at parusahan ni Aquino ang dalawang suspek sa pagpatay ni Bayles na sina Roger Bajon and Ronnie Caurino, na umaming mga miyembro ng Philippine Army nang masakote ng pulisya. Itinanggi ito ng pamunuan ng hukbong militar.

“If proven that they are indeed connected to the military, then the military officials in Negros should be held accountable as well. If the suspects are members of the military, their actions may have been sanctioned by a higher authority, in accordance with the counter-insurgency program of the Arroyo regime,” sabi ni Reyes.

Iginigiit ng Bayan na dapat abandonahin ni Aquino ang programang kontra-insurhensiya na Oplan Bantay Laya ni Arroyo.