All-star cast tampok sa pelikulang Sigwa


Nagagalak ang mga artista na makibahagi sa isang importanteng pelikula hinggil sa First Quarter Storm.

Gumanap si Dawn Zulueta sa papel ni Dolly, isang Fil-Am na photojournalist na namulat at naging aktibista noong First Quarter Storm. (Soliman A. Santos)
Gumanap si Dawn Zulueta sa papel ni Dolly, isang Fil-Am na photojournalist na namulat at naging aktibista noong First Quarter Storm. (Soliman A. Santos)

Sa Sigwa, isang pelikula hinggil sa mga aktibista noong First Quarter Storm Movement na idinerehe ni Joel Lamangan at isinulat ni Bonifacio Ilagan, tampok ang ilang sikat na artistang nagagalak na makibahagi sa isang importanteng pelikula, gaya nina Dawn Zulueta, Tirso Cruz III, Zsa-Zsa Padilla, Gina Alajar, Pauleen Luna, Marvin Agustin, Allen Dizon, Megan Young, Lovi Poe, at Mon Confiado.

Tampok sa bidyong ito ang panayam sa ilan sa mga artista at kay Satur Ocampo, beteranong aktibista ng FQS, noong premiere night ng Sigwa sa Cultural Center of the Philippines noong Hulyo 10.