Muling nagmartsa sa Taft Avenue ang mga magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), kasama ang United Luisita Workers' Union (ULWU) at Alyansa ng mga Magbubukid sa Hacienda Luisita (Ambala), para igiit ang karapatan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita na mapasakanila ang lupang tinatamnan. Nagpatuloy ang oral arguments sa Korte Suprema nitong Agosto 24. (Jose Cosido)
Nagpapatuloy ang pakikibaka ng magsasakang Pinoy para sa kanilang mga karapatan at sa tunay na reporma sa lupa. Pero nilalamon sila ng mga panginoong maylupa at pribadong korporasyon gamit ang armadong pwersa ng estado para supilin silang mga nagpapakain sa bayan.
Kinasuhan ng theft at coercion ng ang pangulo ng Samahan ng Magsasaka at Mamamayang Tartaria na si Jerie Luna kasama ang nasa 40 hanggang 50 iba pa noong Mayo 30.
Sa kabila nito, pinangangambahan ng mga residente ng Tartaria ang kalmadong estratehiya at mistulang pag-iwas sa paggamit ng dahas ng goons kontra sa kanila.
Nitong Abril, sunod-sunod ang panghihimasok ng mga armadong tauhan ng mga Aguinaldo at Ayala sa Brgy. Tartaria sa bayan ng Silang, Cavite para bakuran ang lupa ng mga magsasakang matagal nang naroroon.