Mga larawan ng pagpapalaya sa apat na bilanggo ng digmaan, at tatlong bilanggong may kaso laban sa “isa pang gobyerno” sa Pilipinas: ang gobyerno diumano ng rebeldeng NDFP.
Pinalaya naman ng NPA sa Trento, Agusan del Sur si Lingig Mayor Henry Dano at dalawang kasamahan niyang ahente ng militar na naaresto sa Lingig, Surigao del Sur noong Agosto 6, 2011 dahil sa “kontra-rebolusyonaryong mga krimen.” Hindi umano prisoners of war o biktima ng kidnapping sina Dano, kundi bilanggong inaresto ng NPA dahil sa mga kasong isinampa laban sa kanila sa rebolusyonaryong korte nito.
Inanunsiyo ng NPA ang pagpapalaya kay Dano at sa dalawang intelligence agent matapos personal at pampublikong humingi ng dispensa si Dano at ang dalawang ahente. Ayon sa NPA, hindi “prisoners of war” ang tatlo, kundi bilanggo ng rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng Geneva Conventions. Ayon sa mga grupong pangkapayapaan, magandang senyales ang pagpapalaya kina Dano para sa pag-usad ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Nagdala ng pagkain at suplay ang mga gerilya mula sa Merardo Arce Command ng NPA sa isang lugar sa Trento, Agusan del Sur para sa pagpapalaya kina Dano at sa dalawang ahente ng militar. (Karlos Manlupig)Pinalaya sina Lingig Mayor Henry Dano at ang dalawang sundalong eskort ni Dano na sina Corporal Alrey Desamparado at Private First Class Rolan Saban, sa presensiya ni Surigao del Sur Gob. Johnny Pimentel. Kasama din sa sumaksi sa paglaya ang mga kinatawan ng International Committee of the Red Cross at Sowing the Seeds of Peace. (Karlos Manlupig)Nagsagawa ng military drill ang mga gerilya ng NPA, sa programa sa pagpapalaya kay Dano at sa dalawang ahente ng militar. (Karlos Manlupig)Ipinrisinta ng NPA sa midya at sa mga saksi ang tatlong pinalayag bilanggo nila noong Oktubre 8 nang hapon. (Karlos Manlupig)Binasa ng isang miyembro ng Merardo Arce Command ng NPA ang release order sa tatlo. (Karlos Manlupig)Mga gerilya na nagbabantay sa palibot ng lugar na pinaglunsaran ng programa sa pagpapalaya kina Dano. (Karlos Manlupig)Nilagdaan ng tatlo ang kanilang release order matapos aminin ang kasalanan nila, kabilang ang paniniktik at paglahok sa mga operasyong kontra-insurhensiya ng Armed Forces of the Philippines. (Karlos Manlupig)Pakikipanayam sa midya ni Lingig Mayor Henry Dano, matapos ang pagpapalaya sa kanila ng NPA. Inamin ni Dano nay "may dalawang gobyernong nananaig" sa bansa: ang gobyerno ng NDF at ang gobyernong nakabase umano sa Maynila. (Karlos Manlupig)Nakapiling muli ni Dano ang kanyang mga mahal sa buhay matapos ang dalawang buwang pagkakabilanggo sa kamay ng mga rebelde. (Karlos Manlupig)