Karlos Manlupig

Larawan: Militanteng obrero nagpiket sa pagdating ni Baldoz ng DOLE sa Davao City

Nagpiket ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Davao City sa pagdating ni Sek. Rosalinda Baldoz sa naturang lungsod. Binabatikos ng militanteng mga obrero ang kainutilan umano sa pagpaptupad ng makatao at maka-manggagawang mga istandard sa paggawa sa bansa. Bumisita si Baldoz sa Davao para sa induction ng Regional Tripartite Industrial Peace Council doon. (Karlos Manlupig)

Eid’l Fitr sa Lungsod Davao

Nanatiling nakatayo ang isang bata habang nakayuko sa pananampalataya ang mga kalalakihang nakatatanda, sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr, na siyang pagtatapos ng Ramadan sa relihiyong Islam, sa Davao City. (Karlos Manlupig)

Kontra dengue

Hindi konsiyerto, kundi fogging operations, ang isinasagawa dito sa isang barangay sa Davao City. Lumalaganap ang sakit na dengue sa mga maralita sa iba't ibang lungsod, kabilang ang Kamaynilaan at Davao. Binabatikos ng mga militanteng grupo ang pamahalaan sa di paglaan ng sapat na pondo kontra sa mga sakit na tulad ng dengue. (Karlos Manlupig)

Larawan: Militante, nagrali sa pagbisita ni P-Noy sa Davao

Nagsagawa ng lightning rally ang militanteng mga organisasyon sa pagbisita ni Pang. Noynoy Aquino sa Davao City. Iginiit nila kay Aquino ang pagbabasura sa kontra-insurhensiyang kampanyang Oplan Bantay Laya, na bumibiktima umano sa mga di-armadong aktibista. Hiniling din nila ang hustisya para sa mga pinaslang na aktibista. Di hinarap ng Pangulo ang mga militante, at puwersahang itinaboy ng mga pulis.