Avatar

Karlos Manlupig

Larawan: Militarisasyon, pamamaslang sa magsasaka sa Davao, kinondena

Nagsindi ng kandila ang mga mamamayan ng Davao City sa pangunguna ng Exodus for Justice and Peace para kondenahin ang nauulat na militarisasyon sa distrito ng Paquibato kung saan dalawang inosenteng sibilyan ang pinaslang. Pinaslang si Naldo Labrador, isang magsasaka at miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Plipinas, sa harap ng kanyang anak. Lumahok sa pagsindi ng kandila ang mga akaanak ni Labrador.

Larawan: Konsiyumer, nagpetisyon vs pagtaas ng singil sa kuryente sa Mindanao

Pinangunahan ng mga miyembro ng Consumer Alert ang isang signature drive sa Agdao Public Market sa Davao City para mangampanya laban sa pagtaas ng singil sa kuryente na ipinapatupad ng Davao Light Power Company na pag-aari ng mga Aboitiz. Nangangamba ang grupo na lalala ang aba nang kondisyon ng mga mahihiap sa Mindanao bunsod ng dagdag-singil sa kuryente.