Tunay na reporma sa lupa: hindi suntok sa buwan
Batid ng mga magsasaka ang hirap na daranasin nila para maisulong ang panukalang batas para sa tunay na repormang agraryo. Pero desidido silang ipagtagumpay ang laban.
Batid ng mga magsasaka ang hirap na daranasin nila para maisulong ang panukalang batas para sa tunay na repormang agraryo. Pero desidido silang ipagtagumpay ang laban.
Sa isang pamantasang tinaguriang may “liberal” na tradisyon, sinusupil ang mahusay na progresibong propsesor na si Sarah Raymundo.
Migranteng Pilipino ang unang binabayo ng krisis pampinansiya sa daigdig. At lalo lamang titindi ang epekto nito sa mga bansang tulad ng Pilipinas na nakadepende ang ekonomiya sa malalaking bansa. Sunod na maaapektuhan: lokal na obrero. Itanggi man ng gobyernong Arroyo, inutil sila para pigilan ito.
Hindi lahat ng tumutulong ay may dalisay na intensiyong makatulong. Ang mayayamang bansang “nag-aayuda” sa mahihirap na bansa, halimbawa, ay kalimitang may kalakip na kondisyon na silang mayayaman lang ang makikinabang.
Hitik na sa kultura ng korupsiyon ang bansa. Mula sa pinakamababang empleyado ng gobyerno hanggang sa pinaka-itaas, matatagpuan ito. Kaya naman kadalasa’y tinatanggap na “normal” na lamang ito. Pero hindi pa huli ang lahat.