Pinoy Weekly

MGA LARAWAN: Magsasakang kontra Con-ass at Carper, dinahas sa daan patungong Mendiola

Sa kabila ng magdamagang vigil ng mga magsasaka sa harap ng House of Representatives para harangin ang pagsasabatas ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper), ipinasa ng Kamara ang nasabing panukala na ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ay kontra-magsasaka.

Kinaumagahan, bilang protesta'y nagmartsa ang mga magsasaka mula Quezon City hanggang Maynila para kondenahin ang umano'y patuloy na tangka ng mga panginoong may-lupa na ipagkait ang tunay na reporma sa lupa. Nagmula pa ang mga magsasaka sa iba't ibang bahagi ng bansa, gaya ng Hacienda Luisita sa Tarlac, ehemplo umano ng kabiguan ng CARP.

Iginigiit ng nila sa halip ang pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform Bill.

Iginigiit ng nila sa halip ang pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform Bill.

Sa kanto ng C.M. Recto at Morayta Ave., hinarang sila ng pulisya sa daan patungong Mendiola. Tinatayang naghigpit ng seguridad sa paligid ng Malakanyang dahil sa pagpasa ng Constituent Assembly na tinututulan din ng mga demonstrador.

Igiit ng mga demonstrador ang kanilang karapatan na magpahayag ng kanilang saloobin sa Mendiola.

Igiit ng mga demonstrador ang kanilang karapatan na magpahayag ng kanilang saloobin sa Mendiola.

Sinimulan ng mga pulis na bombahin ng tubig ang kilos-protesta. Binatuta rin ang mga demonstrador.

Sinimulan ng mga pulis na bombahin ng tubig ang kilos-protesta. Binatuta rin ang mga demonstrador.

Hindi nagpatinag ang mga demonstrador sa lakas ng puwersa ng tubig.

Hindi nagpatinag ang mga demonstrador sa lakas ng puwersa ng tubig.

Palaban pa rin ang diwa, muli't muli ang pagbangon ng mga demonstrador hanggang tumigil din ang pulisya sa kanilang dispersal.

Palaban pa rin ang diwa, muli't muli ang pagbangon ng mga demonstrador. Matapos ang mahigit-kumulang sampung minuto, itinigil ng pulisya ang dispersal.

Ayon sa ulat ng mga organisador ng protesta, malubhang nasugatan ang anim na katao na pinagtulakan at binatuta ng mga pulis.

Ayon sa ulat ng mga organisador ng protesta, malubhang nasugatan ang anim na katao na pinagtulakan at binatuta ng mga pulis.

Makaraan ang ilang minuto, nakapagdaos ng programa ang mga magsasaka. Kinondena ni Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng KMP, ang dispersal na umano'y nagpapakita na "pabor ang Malakanyang sa interes ng mga panginoong-maylupang alipores nito sa Kongreso, kaysa sa mahihirap at walang lupang magsasaka." Hindi man nakarating ng Mendiola, babalik umano ang militanteng mga organisasyon para tutulan ang planong Charter Change ng gobyernong Arroyo.

Makaraan ang ilang minuto, nakapagdaos ng programa ang mga magsasaka. Kinondena ni Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng KMP, ang dispersal na umano'y nagpapakita na "pabor ang Malakanyang sa interes ng mga panginoong-maylupang alipores nito sa Kongreso, kaysa sa mahihirap at walang lupang magsasaka." Hindi man nakarating ng Mendiola, babalik umano ang militanteng mga organisasyon para tutulan--nang mas malakas--ang ipinasa rin ng Kamara na resolusyon para sa Constituent Assembly.

Mga kuha ni Darius Galang

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=1790

Posted by on Jun 4 2009. Filed under Balita, Multimedia, Photo Essays. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “MGA LARAWAN: Magsasakang kontra Con-ass at Carper, dinahas sa daan patungong Mendiola”

  1. [...] sa lupa: hindi suntok sa buwanKarapatan: Pagdukot sa Fil-Am, 2 pang aktibista hindi gawa-gawaMGA LARAWAN: Mga magsasakang kontra Con-Ass at Carper, dinahas sa daan patungong MendiolaPhoto Essay: Mapangwasak na pagmimina sa Rapu-Rapu(UPDATED) Dinukot na Fil-Am inilitaw, 2 pang [...]

  2. dapat ng patayin si gloria dahil siya ang nagpahirap sa ating bayan….

  3. excuse me po…i\’m a high school student…and i really hate politics…kya hindi rin po ako aware sa mga issues na tungkol dito…so nguguluhan po tlaga ako kung ano ung Con-Ass..kya pwede po bang pkipaliwanag nyo po sa akin kung ano un..??at pti n rin po ung mga disadvantages nito…at ung advantages..kung meron man…PLEASE…PLEASE…kelangan ko lng po tlagang mlaman…PLZZZZZZZZZZZZZ HELP ME….anyone….PLZZZZZZZZZZZ…..really need it…ASAP…THANK YOU very much……..

  4. ano po ba talaga ang constituent assembly? hindi po kase ako aware sa isues na to eh…… pwede ko po bang malaman kung ano ito….?

  5. secwet

    i am also a high school student and we have a reaction paper about cha cha and con ass.. but i have no idea what con ass is! please help me… the paper is due tomorrow…. please…

  6. arroiyot

    bakit kaya 2tol ang mga tao sa con-ass

Leave a Reply

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes