Tumatahol ang loba negra kapag nabilog ang buwan, May lumalambong na taling galing sa pusod ng ina…
Tunghayan ang pananalinghaga ni E. San Juan, Jr.
ni E. San Juan, Jr.
Ang bantog na Pinoy at pintor Juan Luna, kumatha ng SPOLIARIUM, nakaisip ng bagong likha noong 22 Setyembre 1892... Ang anak ni Donya Juliana, si Trinidad Pardo de Tavera, tinaguriang isang "Brain of the Nation" masugid sa programang Amerikanisasyon ng buong bansa Napuna ni Marcelo del Pilar at tumuring na si Pardo ay "isa roon sa mga kinakargahan pa lamang ang berso ay bali na Ang daliri sa pagtatakip ng tainga" – Malandi makiri Ay, naku, bilangin mo kung ilang daliri ang bali-bali at baka mahigit sa siyam na milyong daliring bali-bali Pinatay ang kapatid, Hen. Antonio Luna, ng mga sundalo ni Aguinaldo mula sa Kawit – Pinatay rin si Bonifacio ng mga ilustradong sumisikat – Ay, naku, Inang Maawain, kailangang alamin ng pintor kung anong tunay na nangyari sa himagsikang ipinagkanulo Ngunit hindi pa nakararating sa Inang bayang ginahasa’t ipinagbili Nilason si Juan Luna sa Hong Kong Itanong mo sa multo ni Paz Luna, at ang inang Donya Juliana Nilambungan ng rebolber ng pintor ng PAGKAMATAY NI CLEOPATRA Gumagala sa EDSA at sa mga looban ng Payatas sa mga lansangan sa Makati, sa megamall kung saan hinahagod ang awit na "Total Eclipse of the Heart" – "turning around..." sa imburnal ng iyong kaluluwa kung saan ang matinding panibugho’y gumagapang – malanding Scheherazade ng guniguni anino ng iyong seks ng pagnanais ng pananabik ng libog sa pagtatalik na hindi kailanman Oo hinding-hindi mapaparausan o mapaparusahan Ay naku! Inay ko, hinding-hindi!