Pinoy Weekly

Manny Pacquiao, pulitiko o boksingero?

Kung natapos na ang mga artista sa kanilang pagrampa patungo sa pulitika, may isa na naman ang bubulaga sa entablado: ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Nakapasok naman na talaga si Pacquiao sa pulitika, nang tumakbo siya bilang kongresista sa Koronadal ng Timog Cotabato. Natalo nga lang siya ni Darlene Antonino-Custodio sa laban na iyon.

At ngayon naman, mayroong nangangarap na muling tumakbo sa Kongreso si Pacman.

“I hope he becomes a congressman,” saad ni Top Rank promoter Bob Arum sa isang panayam sa radyo kamakailan. “I don’t think that’s ever happened before in history, somebody who’s a congressional representative from his country fighting at a top level in boxing,” dugtong ng promoter.

At gusto pa ng banyaga na magkaroon ng panibagong mukha ang popular (at siyempre tradisyunal) na pulitika sa bansa. Batid nya siguro ang tila walang-kapaguran na pag-angkla ng mga mamamayang Pilipino sa mga popular na pangalan na tumatakbo sa publikong opisina na nangangampanya sa ilalim ng “paglilingkod sa bayan”.

Kita naman ang intensiyon ni Arum sa kanyang pahayag: gamitin ang popularidad ni Pacquiao upang lalo pang payabungin ang pag-popormote niya sa mga laban ng Pambansang Kamao. “The fact that he’s become a fighting congressman will enhance his promotability,” ang eksaktong pahayag ni Arum. Batid naman ng lahat na malakas ang hatak ng pera ni Pacquiao sa lahat ng kanyang pakikipagtunggali.

Ngunit hindi nya rin siguro alam ang sinapit na pagkabigo ni Pacman noong nakaraang eleksiyon ng 2007sa kamay ni Custodio. Natalo ang boksingero sa humigit-kumulang na 40,000 boto. Bukas din ang mga mamamayan ng unang ddistrito ng Cotabato na ayaw nilang mapunta sa pulitika ang kanilang idolo sa boksing.

Dudugtungan pa niya ng isa pang tila-pagpapababa ng dangal ng kongreso sa pagsasabing “When Manny fights, Congress closes down anyway.”

Malabo man, nakapagbigay na si Pacquiao ng kanyang intensiyon na ipursige ang kanyang kampanya sa pulitika. Bukas ang kanyang saloobin sa pagtakbo niya sa eleksiyon ng 2010 kung saan gumawa siya ng hakbang na lumipat sa Saranggani at doon tumakbo. Bukas pa rin ang kanyang karera sa boksing; tantiy niyang lalaban pa siya ng dalawa pa bago siya magretiro sa palakasan.

Mabuti pa ang pahayag ni Freddie Roach na coach ni Manny, na nakatuon lamang sa boksing ang tumbok ng kanyang mga pahayag. Sa kanyang opinyon, minamabuti niya ang kapakanan ng boksingero sa karera nito bilang atleta, maging ang tatakbuhin nito bago magretiro. Saad ni Roach, gusto niyang makita na talunin niya si Miguel Cotto at si Floyd Mayweather Jr  bago magretiro. “I’d love to see Manny retire as the king of the world,” saad ni Roach.

Sa ngayon, inaabangan pa ang pinal na pag-ussap sa kampo ni Pacquiao at ni Cotto ng Puerto Rico upang iselyo ang kanilang laban na gaganapin bandang Nobyembre ngayong taon na ito. Bagay lamang na dapat pagtuunan ng pansin ng boksingero kaysa sa pulitika.

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2742

Darius Galang Posted by on Jul 14 2009. Filed under Sports. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes
More in Sports (52 of 58 articles)