Pinoy Weekly
Archive for: September, 2009

OWWA, ‘ilulubog sa utang’ ang mga biktima ng Ondoy

Sa gitna ng sakuna, nananatiling inutil ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ayon sa grupo ng mga migranteng Pilipino sa Hong Kong. Kamakailan, inanunsiyo ng OWWA na magpapautang ito ng P10,000 sa pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng bagyong Ondoy. Pero ayon kay Dolores Balladares, tagapangulo ng United Filipinos in Hong [...]

GMA, Teodoro singilin sa kapabayaan –Bayan

Dapat singilin si Pangulong Arroyo at ang pamunuan ng National Disaster Coordinating Council para sa kapabayaan nito sa paghahanda sa pagdating bagyong Ondoy at pagtugon sa mga nasalanta nito, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Bigo ang administrasyong Arroyo at si Gilbert Teodoro, tagapangulo ng NDCC, na magbigay ng mabilis at organisadong tugon sa nasabing [...]

Video: Biktima ng kalamidad at kapabayaan

Mga kuwento ng trahedya at hinagpis sa Brgy. Bagong Silangan, Batasan, Quezon City. Sa plaza ng barangay, tuluy-tuloy ang pagdating ng mga labi ng nasawing mga residente — biktima kapwa ng kalamidad at kapabayaan.

Showbiz, hindi lang binabaha ng luha, binabaha rin ng tubig

Nitong mga nakaraang araw ay maraming trahedya sa showbiz hindi lang kamatayan kundi madudula ring tagpo na parang hinalaw sa mga drama sa pelikula at telebisyon. Binawian ng buhay ang isa sa mga luma kundi man makalumang lider ng industriya na si Atty. Espiridion Laxa. Namatay din ang tiyo ni Victor Laurel na si Sotero [...]

Video: Ikalawang araw matapos ang bagyo sa Marikina

Kakarampot ang tulong na natatanggap ng mga biktima ng bagyong Ondoy sa isa sa pinakanasalantang lugar sa Kamaynilaan. Samantala, abala ang gobyerno sa pagpapaganda muli ng siyudad, at hindi sa pagtugon sa kumakalam na sikmura ng mga residente dito.

Mga larawan: Kamatayan sa Bagong Silangan

Libing na pangmaramihan ang nagaganap ngayon sa mga maralitang komunidad gaya ng Brgy. Bagong Silangan sa Batasan, Quezon City. Dito masisilip ang mukha ng trahedya ng pananalasa ng bagyong Ondoy at kapabayaan diumano ng gobyerno.

Paano ka makakatulong sa mga mamamayang biktima ni Ondoy?

Marami ang nabigla sa hagupit at pananalasa ng bagyong Ondoy. Marami ang nawalan ng tahanan at maging mga mahal sa buhay dahil sa trahedyang itinuturing na pinakamatindi sa huling apat na dekada. Samantala, maagap namang tumugon ang makabayang mga organisasyon, institusyon at mga indibidwal upang makatulong sa mga biktima ni Ondoy.

Anunsyo matapos ng baha

Matapos ang baha, binaha ang mamamayan ng dalawang kakatwang anunsyo mula sa National Disaster Coordinating Center na muli’t muling inaalingawngaw ng mga coverage ng balita: una, kung hindi kinakailangan, huwag gamitin ang sasakyan dahil naantala ang operasyon ng pagtulong at pagligtas; at ikalawa, iwasang gamitin ang cell phone dahil binabara ang frequency waves para sa [...]

Ilang bagay na kailangang malaman sa Labor Force Survey

Naniniwala ka bang 2.9 milyong katao lang ang walang trabaho samantalang 35.5 milyon ang may trabaho? Saan kaya hinugot ng pamahalaan ang mga datos na ito? Ayon sa Labor Force Survey (LFS) noong Hulyo 2009 (na inilabas ng National Statistics Office (NSO) noong Setyembre 15), 92.4 porsiyento ng mga nasa lakas paggawa (labor force) ay [...]

Pagpapamiyembro sa OWWA, di dapat rekisito sa pagkuha ng OEC

Hindi dapat gawing rekisito sa pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) ang sapilitang pagpapamiyembro sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ayon sa isang grupo ng mga migrante sa Hong Kong. Sinabi ni Dolores Balladares-Pelaez, tagapangulo ng United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL-MIGRANTE HK), ang sapilitang koleksiyon ng OWWA membership fee sa pamamagitan ng OEC ay [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes