Artistang Fil-Am sa New York nagkaisa para sa mga biktima ni “Ondoy”
Nagtipun-tipon sa New York ang mga artistang Filipino-American at mga tagasuporta sa New York para mangalap ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Ondoy noong Oktubre 2, 2009.
Pinamagatang “Shine,” ginanap ito sa Bayanihan Filipino Community Center in Woodside, Queens sa pangunguna ng Sandiwa (National Alliance of Filipino American Youth) and National Alliance for Filipino Concerns (NAFCON). Pinatampok nito ang diwa ng Bayanihan sa lokal na komunidad ng Queens bilang tugon sa malagim na trahedyang idinulot ng bagyo.
Ayon kay John-Flor Sisante, isa sa mga nagtanghal at organisador ng pangyayari, makatutulong ng malaki ang mga donasyong nakalap nila sa buhay ng mga Filipinong biktima ni Ondoy. Ipinaganak si Sisante sa Quezon City, isa sa mga sinalanta ng bagyo.
Kabilang sa mga nagtanghal sina Koba, NYFP, Hanalei Ramos, Melanie Dulfo, Jackelyn Mariano, Kali Martial Arts of the Young Educators for Health and Empowerment of the Youth (YEHEY), Ryan Bandong, and Napon Pintong na ngapakita ng kanilang mga talento sa pagtula, martial arts, spoken word at rap.
“Nakatutuwa na nagkaisa ang mga artistang ito sa napakaikiling paghahanda para matulungan ang ating mga kapatid sa ationg bayan, ayon kay Hanalei Ramos, isa pa sa mga organisador at miyembro ng Filipinas for Rights and Empowerment.
Sinabi naman ni Anne Beryl Corotan, pangulo ng Sandiwa, hindi sila mapipigilan ng direktiba ng gobyerno ng Pilipinas na buwisan ang donasyon para sa mga biktima ni Ondoy kapag hindi idinaan sa Department of Social Welfare and Development.
“We’ll definitely find ways. We will continue to gather all these donations that the members of the community willingly give and will make sure that these will be sent to the rightful recipients and will not fall into the hands of our corrupt officials,” aniya pa.
Samantala isa pang benefit show ang idinaos ng mga Fil-Am sa Triad Theatre sa Manhattan, New York noong Oktubre 3. Tinawag naman itong “Halo Halo Cabaret” at pinangunahan ni Tess Paras, isang aktres na Pinay.
Nagpaunlak sa naturang pangyayari sina Erin Quill (Avenue Q), J. Elaine Marcos (A Chorus Line), Jason Ostrowski (Company), Albert Guerzon (Mamma Mia), Ester Barosso (West end Miss Saigon) at mga artsitang tulad nina Akiko Hiroshima (Happyfunsmile), at Christian Almiron (Jazz Pianist).
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=4439













