Nagsagawa ng pagkilos ang grupong Philippine Climate Watch Alliance, AGHAM Youth at Kalikasan People's Network for the Environment upang hikayatin ang mga lider ng mayayamang bansa na umaksiyon laban sa climate change, bilang bahagi ng Global Day of Climate Action na isinagawa sa 140 bansa noong Oktubre 24. Sentro ng panawagan ang 350 o 350 parts per million CO2 na ligtas para sa atmospera ng daigdig. Kasalukuyang nasa 390 parts per million ang karbon na nasa atmospera, ayon sa mga siyentipikong pag-aaral. (Angelica Carballo)Kinukuwestiyon din ng mga grupo ang pagpirma ni Pangulong Arroyo kamakailan ng Republic Act 9729 o Climate Change Act of 2009. Dalawang taon na ang nakakaraan, pinroklama ng pangulo ang kanyang sarili bilang climate czar o tagapangulo ng Presidential Task Force on Climate Change. Pero umano'y hindi nito napaghandaan ang pinakahuling mga sakuna, at hindi pa rin ibinabasura ng gobyerno ang mga patakarang kontra-kalikasan gaya ng pagmimina na nakakapagpalala sa epekto ng climate change. (Angelica Carballo)
Mariing tinututulan ng mga progresibong grupo sa agham at teknolohiya ang panukala ng Department of Information and Communications Technology na nagmamandato ng social media registration sa Pilipinas.
Tuntungan ang mga hakbangin ni Gina Lopez kontra sa malalaking komersiyal na pagmimina para mapalakas ang pakikibaka para tapusin ang paghahari ng mga dayuhan at iilan sa bansa.
Lumaya na ngayong araw si Kim Gargar, dating propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, siyentista at kolumnista ng Pinoy Weekly, matapos payagang makapagpiyansa ng korte sa Baganga, Davao Oriental. Si Gargar ay inaresto noong Oktubre 1, 2013 at kinasuhan ng illegal possession of explosives at attempted murder. Pinaratangan siya ng mga militar na miyembro daw ng New People's Army. Iginiit ng mg progresibong grupo na hindi miyembro ng NPA si Gargar bagkus isang siyentistang kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik sa lugar na pinangyarihan ng engkuwentro ng militar at NPA
Kinuwestiyon ng grupong Agham (Samahan ng Nagtataguyod ng Agham at Teknolohiya para sa Sambayanan) ang mga panukala ng mga opisyal ng gobyerno para tugunan ang krisis sa enerhiya sa Mindanao, na nagtulak kay Pangulong Arroyo kamakailan na magdeklara ng state of calamity. Ayon kay Engr. Archie Orillosa ng Agham, hindi solusyon ang paglaan ng P10-Bilyon […]