Larawan: Andal Ampatuan Jr. ‘sumuko’ daw sa mga awtoridad

Si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., pangunahing suspek sa masaker sa 57 katao sa Maguindanao, kasama ang mga pulis na escort niya sa Villamore Airbase patungong Maynila kung saan siya "kusa" umanong sumuko sa imbestigasyon ng mga awtoridad. (Richard Reyes)

Si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., nakikipag-usap sa kanyang abogado, sa karsel sa National Bureau of Investigation. Binatikos ng marami ang mga awtoridad sa espesyal umanong pagtrato kay Ampatuan, na hindi man lang nilagyan ng handcuffs tulad ng nakasaad sa reglamento magmula nang sumuko ito sa Shariff Aguak, Maguindanao noong Nob. 26. (Richard Reyes)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5192














Nasaan ng pagkakapantay-pantay sa batas sa puntong ito. ang isang magnanakaw na nagnakaw ng pandesal sa panaderya o karayom sa patahian ay ipinoposas sa oras na mahuli., ganun kagaan/kaliit kung teknikalidad ang pag-uusapan., Pero ang kaso ng mga Ampatuan, asaan na ang Pangil ng ating batas?., Kung espesyal na pagtrato nga ang ibinibigay sa kanila, dapat na iposas kasama nila ang walang hiyang si GM Arroyo.,