Rehimeng Arroyo dapat kondenahin sa masaker sa Maguindanao


Hindi lamang mga armadong goons, pulis at paramilitar ang dapat kondenahin sa pamamaslang sa aabot sa 50 katao kundi pati si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo mismo. Sinabi ni Luis Jalandoni, miyembro ng national executive committee ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na matagal nang kinakanlong ni Arroyo ang political clan ng mga Ampatuan, na […]

Si Pang. Arroyo at si ARMM Gov. Zaldy Ampatuan (anak ni Maguindanao Gov. Andal Ampatuan) sa isang programa sa Maguindanao Provincial Complex noong Marso 2009. (Larawan mula sa website ng Office of the Press Secretary)
Si Pang. Arroyo at si ARMM Gov. Zaldy Ampatuan (anak ni Maguindanao Gov. Andal Ampatuan) sa isang programa sa Maguindanao Provincial Complex noong Marso 2009. (Larawan mula sa Office of the Press Secretary)

Hindi lamang mga armadong goons, pulis at paramilitar ang dapat kondenahin sa pamamaslang sa aabot sa 50 katao kundi pati si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo mismo.

Sinabi ni Luis Jalandoni, miyembro ng national executive committee ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na matagal nang kinakanlong ni Arroyo ang political clan ng mga Ampatuan, na tumutulong sa Pangulo sa paghakot ng mga boto pabor sa administrasyon tuwing halalan.

The impunity accorded by the corrupt and brutally oppressive Arroyo regime to the Ampatuan clan and other favored political fiefdoms has given them license to commit atrocious acts against the people in order to perpetuate themselves in power,” paliwanag ni Jalandoni.

Sinabi rin ng rebolusyonaryong lider na “masyadong maanomalya at eskandaloso” na habang nagaganap ang masaker, nakikipagpulong ang mga tauhan ni Arroyo kay Maguindanao Gov. Andal Ampatuan at Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan sa mismong Malakanyang.

Sinabi pa ni Jalandoni na ito lamang ang pinakahuling karumaldumal na insidente ng karahasan ng Estado laban sa mga mamamayang Pilipino. “This massacre is the latest atrocious act, further aggravating the regime’s accountability for extrajudicial killings, enforced disappearances, frustrated killings, torture, and the uprooting of millions of people since 2001,” sabi pa niya.

Samantala, kinondena rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga pamamaslang, at sinisi ang “namamayaning sistemang pampulitika sa “regular nang nagaganap” na ganitong karahasan.

Kinondena rin ni Muhammad Ameen, tagapangulo ng MILF Secretariat, ang nabalitang pamumugot pa sa mga biktima. “Beheading is an act of barbarism that no civilized society will condone. This is outrageous and deserves the condemnation of every rational person,” ani Ameen.

Sinabi naman ni Amirah Ali Lidasan, tagapagsalita ng Suara Bangsamoro, na hindi maaalis ang takot na bumabalot sa mga mamamayan ng Maguindanao hangga’t hindi pangungunahan ng pambansang liderato ang pagpuksa sa karahasan dito.

Sinabi rin niya na dapat ding singilin si Arroyo at ang 6th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines sa paglaganap ng “legitimized private armies” ng mga warlord na pulitiko sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Matatandaan, ani Lidasan, nilagdaan ni Arroyo noong 2006 ang Executive Order 546 na nagtatag ng civilian volunteer organizations (CVOSs) at iba pang grupong paramilitar bilang katuwag daw ng lokal na gobyerno laban sa insurhensiya.

President Gloria Macapagal-Arroyo should call for at least Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan, Jr, the identified leader of the suspects, to step down from his post  to provide an atmosphere of safety and security for the Commission on Human Rights and other human rights organizations who want to be part of the independent investigation and to avoid whitewash and cover up in the investigation,”  pagtatapos ni Lidasan.