Editoryal

Marcos Jr., barat sa manggagawa 

Ang sarap siguro sa pakiramdam ng mga manggagawa ang umuwing hindi problema ang ihahain sa pamilya, o kaya’y hindi takot ‘pag nagkakasakit dahil may panustos sa gamot at ospital.

Hindi panunupil ang solusyon sa ‘fake news’

Kung matutupad ang pagsasabatas ng regulasyon sa "fake news," hindi malayong magiging puntirya rin nito ang mga peryodista, aktibista at kritiko ng gobyernong matapang na naglalahad ng tunay na kalagayan ng bayan tulad ng katiwalian, korupsiyon, pagpapakatuta sa dayuhan at kriminal na kapabayaan ng pamahalaan sa maraming mamamayan.

Sa dami ng pagkakasala ni Digong

Sabi ng International Criminal Court, hindi man si Duterte ang kumalabit sa gatilyo sa bawat kasong sisinsinin nila, hindi pa rin mababalewala ang mga polisiyang pinasinayaan niya at pag-engganyo sa patayan na ilang ulit niyang ginawa.

Asahan ang gitgitan at giyera kay Trump

Ipinagmumukha man ng administrasyon ni Trump na hindi na ito makikialam sa ibang bansa pero ang totoo, itutuloy pa rin ng Amerika ang pagbibigay ng pondo sa militar ng Pilipinas at iba pang kaalyadong bansa tulad ng Israel. Mukhang mas interesado ang pangulo ng Amerika sa direktang agresyon.

Lason sa inaasam na nagsasariling ekonomiya

Hindi maisasakatuparan ang nakapagsasariling ekonomiya kung mananatili ang mga polisiyang pinagkakakitaan lang ang mga magsasaka at karaniwang tao para sa pagkamal ng kita ng dayuhan at nasa poder.

Puksaan ng mga pamilyang kriminal sa halalan

Habang abala ang mga Marcos at Duterte sa pagbabato ng putik sa isa’t isa, marapat na kumilos ang sambayanan na ipanalo ang kanilang mga demokratikong interes para sa mga karapatan at kapakanan ng mas nakararami.

Litisin at hatulan na si Sara

Ang sinserong kagustuhan ng mamamayan na panagutin ang magnanakaw ng kaban ng bayan ay hindi titigil hanggang tuluyang maalis sa puwesto si Sara, makulong si Rodrigo Duterte at hanggang mapanagot din ang numero unong magnanakaw sa kasaysayan, ang pamilya Marcos.

Solusyon o pakagat sa eleksiyon?

Gagawing palusot ang kakulangan ng lokal na suplay para lalong mag-angkat ng bigas. Ito ang itinatakda ng inamyendahang Rice Tariffication Law ni Ferdinand Marcos Jr.

Dapat Makabayan

Kilatisin natin, ang tunay na makabayang kandidato ay pabor sa reporma sa lupa, industriyalisasyon ng bansa, ekonomiyang umaasa sa sarili, paggalang sa demokrasya at karapatang pantao, nagsasariling patakarang panlabas, disenteng trabaho, abot-kayang pabahay, pantay na trato sa bawat kasarian, at hindi nagpapadikta sa dayuhan.