Lason sa inaasam na nagsasariling ekonomiya
Hindi maisasakatuparan ang nakapagsasariling ekonomiya kung mananatili ang mga polisiyang pinagkakakitaan lang ang mga magsasaka at karaniwang tao para sa pagkamal ng kita ng dayuhan at nasa poder.
Hindi maisasakatuparan ang nakapagsasariling ekonomiya kung mananatili ang mga polisiyang pinagkakakitaan lang ang mga magsasaka at karaniwang tao para sa pagkamal ng kita ng dayuhan at nasa poder.
Habang abala ang mga Marcos at Duterte sa pagbabato ng putik sa isa’t isa, marapat na kumilos ang sambayanan na ipanalo ang kanilang mga demokratikong interes para sa mga karapatan at kapakanan ng mas nakararami.
Kasabay ng paniningil at pagtutol sa pagbaluktot sa kasaysayan, kailangang matapatan ng sambayanan ang katatwang mga proyektong ito. Kung maraming paraan para umibig, marami ring daluyan ng paglaban at pag-alala.
Ang sinserong kagustuhan ng mamamayan na panagutin ang magnanakaw ng kaban ng bayan ay hindi titigil hanggang tuluyang maalis sa puwesto si Sara, makulong si Rodrigo Duterte at hanggang mapanagot din ang numero unong magnanakaw sa kasaysayan, ang pamilya Marcos.
Gagawing palusot ang kakulangan ng lokal na suplay para lalong mag-angkat ng bigas. Ito ang itinatakda ng inamyendahang Rice Tariffication Law ni Ferdinand Marcos Jr.
Kilatisin natin, ang tunay na makabayang kandidato ay pabor sa reporma sa lupa, industriyalisasyon ng bansa, ekonomiyang umaasa sa sarili, paggalang sa demokrasya at karapatang pantao, nagsasariling patakarang panlabas, disenteng trabaho, abot-kayang pabahay, pantay na trato sa bawat kasarian, at hindi nagpapadikta sa dayuhan.
Hanggang ngayon, taingang-kawali ang pamahalaan sa panawagan ng mamamayan para sa nakabubuhay na sahod, regular na kabuhayan, at makabuluhang hakbang para mapababa ang presyo ng mga pang-araw-araw na bilihin.
Ginawang isang laro ng mga Marcos ang lehitimong panawagan ng mamamayan laban sa pagnanakaw ng mga inosenteng buhay at kaban ng bayan, kapalit ang pagtitiyak sa pansariling interes sa kapangyarihan at kayamanan.
Walang kongkretong patakaran ang administrasyong Marcos Jr. para tugunan ang krisis sa empleyo. Ayaw niya ring ipatupad ang nakabubuhay na national minimum wage na batay sa family living wage. Walang makabuluhang subsidyo at suporta para sa maliliit na negosyo at lokal na agrikultura.
Nagkakaroon ng pampolitikang lamat at direktang hadlang sa peace talks bago pa man ito masimulan muli. Dagdag pa ang praktikal na problema: Paano magkakaroon ng usapan kung ikinukulong ang mga mismong kausap?