Editoryal

Amerika ang promotor ng gulo

Desidido ang Washington na itulak at udyukin pa ang gulo sa West Philippine Sea. May kaguluhan man dahil sa water cannon attack ng Chinese Coast Guard, mas malinaw namang paghahamon ng giyera ang malawakang pag-iimbak ng armas.

Atake sa mga sumaklolo

Hindi naman talaga nagkakalayo ang mga administrasyong Marcos Jr. at Duterte, kahit pa paulit-ulit magparinigan at mag-umpugan ang dalawang pamilya. Parehong naninindigan ang dalawa na gumagana ang mga sistema ng hustisya sa bansa, kahit pa nagagamit ang batas bilang bala sa mga makatwirang kritisismo.

Taliwas sa danas ng bayan

Nagpaulan si Ferdinand Marcos Jr. ng mga numero’t estadistika para kunwari’y may signipikanteng napagtagumpayan bilang pangulo. Ngunit nananatili ang katotohanang walang halaga ang mga ibinuladas na numero’t bilang sa mamamayang nagugutom, naghihirap at pinagsasamantalahan sa ilalim ng kanyang pamumuno.

SONAsahol

Sa Hul. 22, nakatakda ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Malamang, ipangangalandakan na naman niyang umunlad na ang Pilipinas at maraming Pilipino ang nakinabang sa mga batas, proyekto, programa at kasunduang pinasok ng kanyang administrasyon sa nakalipas na dalawang taon.

Baryang umento, insulto

Mula nang umiral ang Wage Rationalization Law noong 1989 na nagtakda ng iba’t ibang sahod sa mga rehiyon, bumaba ng 22% ang tunay na halaga ng sahod, kahit pa tumaas ng 88% ang labor productivity o halagang nilikha ng mga manggagawa. Mula taong 2000 hanggang 2023, tumaas ng 63% ang productivity, pero 9% lang ang itinaas ng minimum wage.

Singilan bago halalan

Kapwa malaking hamon ang mga ito, dahil tila umuulit lang naman ang kuwento sa bawat gobyerno. Pero ang patuloy na paniningil ang pruweba na hindi nakakalimot ang sambayanang Pilipino.

Goodbye, VP Inday!

Hindi na sila magkaisa sa kung paano paghahatian ang kapangyarihan at kaban ng bayan. Paghahanda na rin ito sa balak ng mga Duterte na bumalik sa poder sa susunod na halalan.

Paikot-ikot lang

Hindi mababawasan ang karapatan ng mga straight na mamamayan kapag naaprubahan ang batas laban sa diskriminasyon sa LGBTQ+. Lahat ng mamamayan, ano mang kasarian, ay may karapatan na mamuhay nang malaya sa takot at diskriminasyon.

Wala namang nagbago sa Pilipinas

Kaysa pagtuunan ng pansin ang mga suliranin ng bayan, magkantahan na lang tayo ng “Bagong Pilipinas” sa pagsisimula ng araw bago harapin ang katakot-takot na pasanin.