Editoryal

Agawan ng eksena, parehong may sala

Harap-harapang nilalapastangan ng mga sigang ito ang demokrasya at karapatan natin. Nagbabalat-kayo na may pakialam sa batas, kaayusan at kapakanan ng mamamayan, pero sila rin naman ang mga salarin sa kaguluhan at pagdurusa ng mga ordinaryong Pilipino.

Para sa karapatan sa malayang pagbabalita

Muling magtitirik ng kandila at nananawagan ang midya, mga tanggol-karapatan at mga dumedepensa sa demokrasya: Itigil ang pag-atake sa mga mamamahayag, singilin ang hustisya para sa lahat ng biktima, at patuloy na ipaglaban ang malaya at mapagpalayang midya.

Hindi madadaan sa biro

Sa pag-amin ni Rodrigo Duterte sa Senado sa pagkakaroon ng Davao Death Squad at sa pagkumpirma sa modus operandi sa mga patayan, lalo siyang nadiin sa kanyang mga krimen. Walang maaari pang itanggi si Duterte.

Berdugong umaaktong kakampi

Sa pinapakita ng gobyernong Marcos Jr. ngayon na lantarang pagtanggap sa sundalong Hapones, tiyak na ibinaon na rin niya sa limot ang kanilang karumaldumal na krimen para lang ipaubaya ang Pilipinas sa mga among dayuhan.

Hindi family business ang gobyerno

Bukod sa paggamit sa kapangyarihan para yumaman, dagdag rin sa kasakiman ng mga burukrata-kapitalista ang pananamantala at paggamit ng pampolitikang kapangyarihan para sa korupsiyon at kriminalidad.

Hindi dapat malimot ang pagnanakaw

Labas sa mga teknikal na usapin, malinaw na may obligasyon sa taumbayan na hindi napapanindigan ng sistema ng hustisya sa bansa. Dagdag pa dito, nagagamit ang resulta ng mga kaso para suportahan ang baluktot na naratibo na walang ninakaw ang mga Marcos.

Buwis (ang) buhay sa Pinas

Imbis na maghanap ng bagong buwis na ipapataw sa karaniwang Pilipino, bakit hindi na lang dagdagan ang buwis para sa mga bilyonaryo na yumaman pa nang husto (dagdag na 30% sa yaman) noong pandemya? 

Delulu sa mababang implasyon

Mas mabigat ang epekto ng implasyon sa mga kabahayang may mababang kita. Mas mabigat sa bulsa ng mahirap ang piso kaysa mga mayayaman. Ayon sa Ibon Foundation, 2.5% ang tunay na inflation rate para sa 30% ng mga Pilipino na may mababang kita.

Alternatibo ng taumbayan

Paano makakawala ang taumbayan sa siklo ng pagkawasak at pananamantala? Aasa na lang ba muli sa susunod na halalan para bumoto ng mga hindi gaanong mababangis na halimaw sa unang tingin, pero kalauna’y magiging mas mabagsik pa sa mga nauna?

Pananagutang pilit tinatakasan

Malinaw na ayaw magsabi ng totoo ng bise presidente. Malinaw na insulto ito sa mamamayang Pilipinong dapat pinagsisilbihan niya. Sa ganitong gana, lalong nabubuo ang imahe ng malawakang korupsiyon at abuso sa kapangyarihan o “betrayal of public trust” ni Sara Duterte. Lalong nagiging makatarungan ang mga panawagang panagutin siya.