Sports

Pacquiao-Mayweather kasado na


Nagsisimula nang magbilangan ng pera sa inaabangang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Napaulat nang tinanggap ni Pacquiao ang alok ni Bob Arum na labanan ang dating pound-for-pound king na si Mayweather. Tinatayang aabot ng higit sa isang bilyong piso ang kasalukuyang pound-for-pound king na pumayag sa 50-50 hatian ng malilikom na kita […]

Nagsisimula nang magbilangan ng pera sa inaabangang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Napaulat nang tinanggap ni Pacquiao ang alok ni Bob Arum na labanan ang dating pound-for-pound king na si Mayweather. Tinatayang aabot ng higit sa isang bilyong piso ang kasalukuyang pound-for-pound king na pumayag sa 50-50 hatian ng malilikom na kita ng kanilang laban. Bagaman ayaw ni Arum na kontratahin si Mayweather, pupuntahan niya ito at maghihintay ng balita sa kampo ni Mayweather upang malaman kung matutuloy sa ang Marso ng susunod na taon ang bakbakan.

Tinatayang aabot sa $25 milyon ang tatanggapin ng dalawa sa magiging laban, na mapapanood sa lugar ng paggaganapan sa halagang $2500 kada tiket. Ito ang tinatayang pinakamahal na tiket para sa boksing sa kasaysayan. Aabot pa ng hanggang $40-M ang kanilang matatanggap sa pagsama ng kikitain ng pay-per-view at iba pang kikitain ng salpukan.

Sa kasalukuyan, hinahanapan pa ng lugar ng pagdarausan ang laban.

At opisyal nang pinirmahan ni Pacquiao ang kontrata nitong Disyembre 10, at mismong ang kanyang tagasanay na si Freddie Roach ang kumumpirma nito. “March 13th is the date, that’s not going to change,” aniya.

Dagdag ni Roach na areglado na rin ang ilang usapin ukol sa laban, ngunit hindi pa rin nasesguro ang paggaganapan ng laban. “Everything looks good. We have agreed on the glove size, and the weight. I talked to (Pacquiao’s promoter Bob) Arum, Dallas wants the fight, MGM wants the fight, Yankee Stadium wants the fight, so it’s just trying to find out where the venue is. The fight looks good,” saad ng de-salamin na tagasanay ng kampeon.

Batid rin ni Roach ang kaibahan ng nakaambang laban sa mga nakaraang pakikitunggali ni Manny, dahilan upang pagtuunan nila ng pansin ang estilo ni Mayweather at kung paano ito haharapin. Paliwanag ni Roach, “It’s a difficult fight, it’s the most difficult style for us to go against because he (Mayweather) is a runner and a counter-puncher. We will go to camp and we will make some changes, we will set traps for this guy. This is completely opposite of the (Miguel) Cotto fight, opposite of the (Ricky) Hatton fight, and opposite from the (Oscar) De La Hoya fight. We will come up with a new game plan, a 10-week camp, and some changes. We will work on setting traps and taking Floyd’s speed away from him.”.

Sa kasalukuyan, abala ang kampeon ng pitong dibisyon na si Pacquiao habang naghihiintay ng kumpirmasiyon ni Floyd. Kasama rito ang pagpopromote ng kanyang pelikula, at ang kanyang pagtangkang pasukin ang mundo ng politika kung saan siya’y tatakbo bilang kongresista ng Saranggani sa Mindanaw. May mga agam agam ang publiko ukol sa pageensayo para sa nalalapit nang laban at sa pagsabak sa kampanya. Ngunit ayon sa kampo ni Pacquiao, hindi diumano makakasagabal ang ensayo at paghahanda para sa boksing sa magiging takbo ng kanyang kampanya.

Sa ngayon nakatutok ang mga salita ni Manny sa kabilang kampo, tampok dito ang pananaw ng kampeon sa pag-uugali ng katunggali maging ang ama nito na si Floyd Mayweather Sr. Kilala naman na sa publiko ang magaspang at mayabang na pagsasalita sa publiko ng mag-ama.

“He (Mayweather) is full of thrash talk whom the children should not emulate,” ang saad ni Pacquiao. Nagdugtong pa siya para sa ama ng katunggali, at sinabing “we can become famous without being arrogant. We can stay humble without resorting to trash talk. It’s not good being a champion idolized by everybody especially the young kids. Trash-talking is not a good example to the young. That’s very important.”