Balita Multimedia Photo Essays

Mga larawan: Paglapit ng Lakbayan sa Maynila, sa kabila ng panghaharang

Pages: 1 2 Next page »

Sinalubong ng mga mamamayan sa Camarines Norte ang mga magsasaka sa naglakbay pa mula Mindanao at Visayas, sa ika-6 na araw ng Pambansang Lakbayan ng Anakpawis para sa Lupa at Katarungan noong Enero 17. (King Catoy/May Day Productions)

Pasensyong naghihintay ng tinaguriang mga 'Lakbayani' tuwing may sasakyang nasisiraan, at tulung-tulong sila sa pagkukumpuni. (King Catoy/May Day Productions)

Pasensyong naghihintay ang tinaguriang mga 'Lakbayani' tuwing may sasakyang nasisiraan. (King Catoy/May Day Productions)

Mga magsasakang nagluluto sa tabing-dagat, sa bayan ng Daet. (King Catoy/May Day Productions)

Mga magsasakang nagluluto sa tabing-dagat, sa bayan ng Daet. (King Catoy/May Day Productions)

Inaasahang makakarating sa Maynila ang Pambansang Lakbayan sa Enero 23, ika-23 na anibersaryo ng Mendiola Massacre. (King Catoy/May Day Productions)

Inaasahang makakarating sa Mendiola Bridge sa Maynila ang Pambansang Lakbayan sa Enero 22, ika-23 na anibersaryo ng Mendiola Massacre. (King Catoy/May Day Productions)

Pagkakabit ng streamer para kay Jason Delen, coordinator ng Bayan Muna na pinaslang noong Abril 27, 2006 sa Daet. Ipinoprotesta ng Lakbayan ang mga ekstrahudisyal na pamamaslang sa ilalim ng gobyernong Arroyo, na bumiktika sa 561 magsasaka. (King Catoy/May Day Productions)

Checkpoint ng pulisya sa Gumaca, Quezon. Paulit-ulit na tinanong ang mga organisador ng Lakbayan hinggil sa bilang ng mga delegado at kung saan pupunta. Ayon kay Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, isang taktika ang "panghaharas" para maantala ang pagdating ng mga magsasaka sa Maynila. (King Catoy/May Day Productions)

Checkpoint ng pulisya sa Gumaca, Quezon. Paulit-ulit na tinanong ang mga organisador ng Lakbayan hinggil sa bilang ng mga delegado at kung saan sila pupunta. Ayon kay Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, isang taktika ang "panghaharas" para maantala ang pagdating ng mga magsasaka sa Maynila. (King Catoy/May Day Productions)

Kinabukasan, Enero 18, nakarating ang Lakbayan sa Lucena City, Quezon. Nagpiket ang mga magsasaka sa harap ng kampo ng Southern Luzon Command. (King Catoy/May Day Productions)

Kinabukasan, Enero 18, nakarating ang Lakbayan sa Lucena City, Quezon. Nagpiket ang mga magsasaka sa harap ng kampo ng Southern Luzon Command. (King Catoy/May Day Productions)

Pagtigil sa militarisasyon sa kanayunan, na bumibiktima ng mga magsasaka, ang kanilang panawagan. (King Catoy/May Day Productions)

Pagtigil sa militarisasyon sa kanayunan, na bumibiktima ng mga magsasaka, ang kanilang panawagan. (King Catoy/May Day Productions)

  • Share/Bookmark

Pages: 1 2 Next page »

Related posts:

  1. Mga larawan: Papaigting na panghaharas sa Pambansang Lakbayan
  2. Mga larawan: Pagtulak mula Mindanao ng mga magsasaka, sa unang 2 araw ng Pambansang Lakbayan
  3. Mga larawan: Pagdating sa Visayas ng mga ‘Lakbayani’
  4. Mga larawan: Mahabang martsa ng magsasaka, mula Calamba hanggang Baclaran
  5. Larawan at video: Silang naglakbay tungong Maynila para iprotesta ang SONA

Discussion

No comments for “Mga larawan: Paglapit ng Lakbayan sa Maynila, sa kabila ng panghaharang”

Post a comment

Opinyon

Neoliberalism Reloaded

(1) Sa hanay ng mga kapanalig ni Presidente Noynoy Aquino, may isang paraan para mapag-iba ang mga sagad-sagarin sa mga kahit paano’y kritikal kung magsuri, iyung may katapatan pangunahin sa pangulo at iyung pangunahin sa bayan: Paano nila hinuhusgahan ang unang State of the Nation Address ni Noynoy? Kung puro papuri, nakahanay sila sa nauna; kung kahit paano’y may papitik-pitik na pagpuna, sa ikalawa.

Read on