Noynoy wastuhin ang kamalian ni Cory na di pagpatupad ng repormang agraryo – Satur

Pagdating ng martsa ng mga magsasaka sa makasaysayang Mendiola Bridge sa Manila. Pinangunahan ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ang martsa, kasama sina Gabriela Rep. Liza Maza, at mga lider-makabayan at magsasaka. (Soliman A. Santos)
Hinamon ni Bayan Muna Rep. at kandidato sa pagkasenador Satur Ocampo si Sen. Noynoy Aquino na angkinin ang responsabilidad na tanggapin ang pagkakamali ng ina at dating pangulong Corazon Aquino na di pagpatupad ng tunay na repormang agraryo.
Sinabi rin ni Ocampo na kailangang pangunahan din ni Aquino ang pagbibigay hustisya sa 13 napaslang na nagpoprotestang magsasaka sa Mendiola noong Enero 22, 1987, panahon ng panunungkulan ng dating pangulo.
“Sen. Aquino has been citing the lives and legacies of his parents to the Filipino people as a sort of guarantee that he will be a good president. Given this, he should then admit and take stock of the failure of former Pres. Aquino to implement a genuine agrarian reform program. It has been 22 years since the Mendiola Massacre, but justice still eludes the victims and the survivors. Majority of the the country’s farmers remain landless and impoverished,” ani Ocampo.
Sinabi din ng beteranong aktibista at mambabatas na magagawa ni Aquino ito sa pamamagitan ng pagpahayag ng tindig para sa tunay na repormang agraryo.
Pero tila pinalalampas ni Aquino ang pagkakataon para gawin ito, dahil hanggang ngayo’y hindi pa rin nabibigyang hustisya ang mga biktima ng masaker sa Mendiola at Hacienda Luisita, aniya.
Pinangunahan ni Ocampo ang martsa ng mahigit 7,000 magsasaka mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas mula sa tapat ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City patungong Mendiola Bridge sa Manila sa ika-23 anibersaryo ng masaker.
“Social injustice is a state policy with the incumbent government under Macapagal-Arroyo. More than 7 out of 10 farmers are deprived of land,” paliwanag ni Ocampo.
Hinamon ni Ocampo si Aquino na suportahan ang kahilingan ng mga magsasaka para sa tunay at makabuluhang repormang agraryo, pagtigil sa pagpapalikas sa mga magsasaka sa mga lupain nila at pagtigil sa pagkamkam ng kanilang mga lupain.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5958














bakit ba nya gztong papasukin si noynoy sa ganyang prodlema???????????