Hiling pa rin ng mga magsasaka sa Luisita, iba pa: karapatan sa lupa


Nagpiket ang mahigit 300 magbubukid mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan habang nakikipagdayalogo ang mga lider nila sa mga kinatawan ng Department of Agrarian Reform. Adyenda ng dayalogo ang kawalang aksiyon ng DAR sa kagyat na pamamahagi ng Hacienda Luisita na tinigil ng TRO na isinumite ng Hacienda Luisita sa Korte Suprema. Pag-uusapan din […]

Nagpiket ang mahigit 300 magbubukid mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan habang nakikipagdayalogo ang mga lider nila sa mga kinatawan ng Department of Agrarian Reform. Adyenda ng dayalogo ang kawalang aksiyon ng DAR sa kagyat na pamamahagi ng Hacienda Luisita na tinigil ng TRO na isinumite ng Hacienda Luisita sa Korte Suprema.

Pag-uusapan din sa dayalogo ang mga kaso ng pangangamkam ng lupa sa Hacienda Yulo sa Laguna at sa San Jose Del Monte sa Bulacan.

Karamihan sa mga magsasakang naroroon ay siya ring lumahok sa Lakbayan ng mga Magbubukid na nagmula  pa sa Hacienda Luisita noong Abril 19, 2010. Habang nakikipagdayalogo ang kanilang mga lider, naglunsad ng noise barrage ang iba pang mga magsasaka. Halos matumba ang Gate 1 ng DAR sa pagyugyog na ginawa ng mga kalahok sa kilos-protesta. Sa huli, natapos ang dayalago na walang seryosong komitment ang mga kinatawan ng DAR.

Sa paliwanag ni Joseph Canlas ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), nakatali diumano ang kamay ng DAR sa temporary restraining order ng Korte Suprema. Pinabulaanan ito ni Canlas sapagkat ayon sa kanya, DAR at Presidential Committe on Agrarian Reforms mismo ang nagpasya  na ipamahagi na ang lupa sa Hacienda Luisita kaya’t nararapat na sila rin ang maggiit na tanggalin ang TRO. Pupunta bukas sa Korte Suprema ang mga magsasaka.

(May Day Productions)

Aabot sa 200 magsasaka sila, mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan, muling hinihiling ang tunay na repormang agraryo na matagal nang hangad nila. (Rob Jara/May Day)
Aabot sa 200 magsasaka sila, mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan, muling hinihiling ang tunay na repormang agraryo na matagal nang hangad nila. (Rob Jara/May Day)
Niyugyog ng mga magsasaka ang tarangkahan ng Department of Agrarian Reform sa paggiit sa kanilang mga kahilingan. (Rob Jara/May Day)
Niyugyog ng mga magsasaka ang tarangkahan ng Department of Agrarian Reform sa paggiit sa kanilang mga kahilingan. (Rob Jara/May Day)
Sariling lupang pagtatamnan pa rin para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang hiling nila. (Rob Jara/May Day)
Sariling lupang pagtatamnan pa rin para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang hiling nila. (Rob Jara/May Day)