Pinoy Weekly

Mga Larawan: Huling sabak sa kampanya ng mga progresibo, Nacionalista Party

caption

Noong Mayo 7, tumungo ang mga tagasuporta ng progresibong mga kandidato sa pagkasenador na sina Satur Ocampo at Liza Maza sa Harbour Centre, Tondo, Maynila, para sa miting de avance ng Nacionalista Party. (Rogelio Tubije)

caption

Nandoon rin ang iba't ibang progresibong party-list sa ilalim ng Koalisyong Makabayan na Kabataan, Anakpawis, Gabriela, Akap Bata, Act Teachers at Bayan Muna. (Rogelio Tubije)

caption

Una sa mga kandidato sa pagkasenador na nagsalita si Ocampo. Ipinakita sa screen ang istorya sa pahayagan nang siya'y ipinakulong ng gobyernong Arroyo noong 2007 bilang bahagi ng panunupil sa oposisyon. Napawalang-sala rin ng Korte Suprema ang kongresista sa kasong rebelyon. (Rogelio Tubije)

caption

Ayon kay Ocampo, tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon ang susi sa tunay na pag-unlad ng bansa. Ipagpapatuloy umano niya sa Senado ang laban para sa ilang mga reporma at kontra sa anti-mamamayang mga polisiya at batas. (Rogelio Tubije)

caption

Sunod na nagsalita si Maza, na nakilala bilang tagapagtanggol sa karapatan ng kababaihan bilang kinatawan ng Gabriela Party-list. (Rogelio Tubije)

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7296

Posted by on May 8 2010. Filed under Balita, Multimedia. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Mga Larawan: Huling sabak sa kampanya ng mga progresibo, Nacionalista Party”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Mga Larawan: Huling sabak sa kampanya ng mga progresibo, Nacionalista Party http://bit.ly/cTsvuQ [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes