Hanggang sa kulungan, handang paglingkuran ni Kookoo Gonzales si Patrick de la Rosa
Nasusukat ang pag-ibig ni Kookoo Gonzales kay Patrick de la Rosa sa pamamagitan ng paglilingkod ng aktres sa aktor sa loob ng kulungan. Nabilanggo si Patrick sa alegasyon na siya ay nanggahasa ng isang dalawampung taong gulang na kolehiyala sa Regalia Condominium sa Cubao kamakailan. Si Kookoo ay ang mahalagang bahagi sa buhay ni de […]
Nasusukat ang pag-ibig ni Kookoo Gonzales kay Patrick de la Rosa sa pamamagitan ng paglilingkod ng aktres sa aktor sa loob ng kulungan.
Nabilanggo si Patrick sa alegasyon na siya ay nanggahasa ng isang dalawampung taong gulang na kolehiyala sa Regalia Condominium sa Cubao kamakailan.
Si Kookoo ay ang mahalagang bahagi sa buhay ni de la Rosa pagkatapos na makipaghiwalay ang action star sa isang babaing taga-San Fernando City, Pampanga, isa sa mga anak ng dating Solicitor-General ng panahon ng diktador na si Ferdinand E. Marcos.
Mula sa “StarBrighters” ng noon ay napakapamosong TV host, PR-Manager at manunulat na si Boy C. de Guia si Kookoo at kasama niya sa palatuntunang pinangunahan din nina Michael Laygo, Shirley Fuentes, Fredmoore de los Santos at marami pang iba.
***
Naipapakita ni Gonzales ang kanyang pagmamahal nang wagas kay Patrick sa pamamagitan ng pagdalaw sa dating kasintahan sa presinto sa may Cubao.
Pagkatapos ng kanyang mga shooting, taping, show, ensayo at gig sa banda ay heto si Kookoo at matatagpuan sa bilangguan kasama ang kanyang dating nobyo.
Nagkaanak ng tatlo sina Gonzales at de la Rosa at ang mga supling na ito ang nagbibigkis sa kanilang pagmamahalan kahit na sila ay nalugso na bilang magkasintahan.
Talagang mula sa unang araw ni Patrick sa kulungan ay heto na si Kookoo at nag-aasikaso sa lahat ng mga kailangan ng bituin sa loob ng selda.
***
Ayon kay Kookoo, talagang ipaglalaban niya ang kanyang pag-ibig kay Patrick kahit hiwalay na sila.
Susuportahan niya anya ang ama ng kanyang mga anak sa delikadong sitwasyon nito ngayon.
Kaya nga sinusuong ni Gonzales ang lahat kabilang ang posibleng pagpintas sa kanya ng iba pang mga tao na malalapit kay de la Rosa.
Ayaw na ayaw na ngang ipasulat sa amin ni Kookoo ang kabanatang ito sa kanyang buhay pero ang punto lang naman namin ditto ay ang paglalahad ng katotohanan at sentimiyento ng aktres sa kaganapan ng kanyang dating katipan.
***
Samantala, buo ang loob ng babaing nagsampa ng kaso laban kay Patrick.
Maghahain anya siya ng kanyang mga ebidensiya laban sa aktor.
Ginahasa naman anya siya ng bituin kaya may laban siya sa asuntong ito.
Itinanggi niyang tumanggap siya ng kaukulang halaga para iruong na ang demanda laban sa aktor.
Pero ipaglalaban niya anya ang kanyang mga karapatan bilang babae at bilang tao.
***
Itinanggi naman ni Dolphy, Jr. na isinugod sa pagamutan ang kanyang ama noong Lunes.
Kadarating lang mula sa mga lalawigan ni Dolphy, Jr. nang matanggap niya ang impormasyon na isinugod sa ospital ang kanyang ama.
Ayon kay Junior o Ompong, walang katotohanan ang balita bagamat anya’y tinawagan agad niya ang kinaroroonan ng kanyang tatay upang malaman ang katotohanan.
“Nandito ako sa Bulacan ngayon at nagpapahinga pero kailangang tumawag ako kay Daddy para ma-verify ang totoo. Kaya ‘yon, sabi sa akin, huwag mag-alala at nasa mabuting kalagayan ang aming ama,” pahayag ni Junior.
Malapit na malapit si Ompong sa Hari ng Komedya kaya concerned na concerned siya sa kalagayan ng kalusugan nito.
***
Gayunman, aminado si Junior na talagang naratay sa banig ng karamdaman ang kanyang ama noong isang linggo.
“Bale, check-up lang at monitoring. ‘Yong the usual na ginagawa sa kanya ni Dr. Lopez. Mabut naman ang kondisyon ng kanyang kalusugan kaya natutuwa kami,” wika ni Ompong.
Aktibo ang anak ni Dolphy sa mga gawaing ispiritwal sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ang pagdatal niya sa Maynila ay pagtutok naman sa kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang hinaharap.
***
Samantala, inamin naman ng beteranong aktor na si Bert Vibar na mahina na si Mang Dolphy.
“Nang mag-shooting kami sa Victory Church sa Tondo, ‘yon, ang ganda ng pakiramdam ni Mang Dolphy. Natapos ang shoot. Pero the next shoot, sumama ang pakiramdam niya. Kitang-kita ko, nanghihina siya.
“Hindi na nga natapos ‘yong shoot pero marami nang nakunan. Peron na-postpone ang shooting namin the following schedule. Sumama na nga ang kanyang pakiramdam,” sabi ni Bert na napakaraming pelikula dahil hindi lang siya aktor kundi mang-aawit din.
Si Vibar ang tnaguriang Frank Sinatra of the Philippines.
***
Ang pelikulang ginagawa ni Bert ay ang “Father Jejemon” na idinidirek ni Frank Gray, Jr. kasama ang mga bituin na sina Cherie Gil, Maja Salvador, Efren Reyes, Jr. at marami pang iba.
Pang-2010 Metro Manila Film Festival ang “Father Jejemon” at handang-handa ang komedyante na tapusin nang mapayapa at mahinahon ang obrang katatawanang ito.
Isinumpa ni Mang Dolphy na tatapusin niya ang pelikulang ito dahil nakatoka na ito pestibal at inaabangan na ng mga manonood.
Kaya nga kailangang magpakagaling si Mang Dolphy.
***
Ayon kay Dolphy, Jr., magsu-taping siya ng araw ng Martes, ika-19 ng Oktubre, 2010.
“Pidol’s Wonderland” naman ang ginagawa niya sa Associated Broadcasting Corporation o ABC TV5.
Mataas ang nakukuhang puntos ng dami ng mga manonood ng “Pidol’s Wonderland” at ipinagmamalaki ito ng pangasiwaan ng istasyon na handang sumuporta sa matayog na caree ni Dolphy.
Kaya nagdarasal si Dolphy, Jr. na bigyan pa nang mahabang buhay ang kanyang ama.
***
Alam ba ninyo na ang dating seksing aktres na si Katrina Paula ay isa nang ganap na Domestic Helper o DH sa ibang bansa?
Talagang walang kiyeme si Katrina na pumasok sa pagiging atsay sa ibang bansa nang may maipakain sa kanyang mga anak na iniwan ng ama nito nang barilin ng mga salarin sa tapat ng bahay nila ng aktres.
Nang dahil sa kawalan ng mga proyekto sa showbiz ay napilitang magpunta sa ibang bansa ang bold star at makipagsapalaran kahit sa pagkakatulong.
***
Maganda pa rin ang seksing aktres na si Isadora na nakilala sa mga pelikulang mapangahas tulad ng “Mga Lihim ng Kalapati,” “Cabron” at marami pang iba.
Nakita namin si Isadora sa pagtatanghal muli ng lumang pelikulang “Mga Lihim ng Kalapati” sa Fully Booked U View sa Bonifacio High sa The Fort.
Dumating sa inorganisang pagtitipon ni Jojo de Vera si Isadora para mapanood muli ang kanyang obrang idinirek ni Celso Ad. Castillo.
At alam ba ninyo kung sino ang production designer ng pelikula?
Walang iba kundi ang premyadong direktor na si Brillante Mendoza na noong 1980s ay isang PD at art director ng mga pelikula.
Nag-nostalgia sina Celso, Isadora at Brillante likhang-sining na ito ni Castillo.