Noong Mayo 7, tumungo ang mga tagasuporta ng progresibong mga kandidato sa pagkasenador na sina Satur Ocampo at Liza Maza sa Harbour Centre, Tondo, Maynila, para sa miting de avance ng Nacionalista Party. (Rogelio Tubije)Nandoon rin ang iba't ibang progresibong party-list sa ilalim ng Koalisyong Makabayan na Kabataan, Anakpawis, Gabriela, Akap Bata, Act Teachers at Bayan Muna. (Rogelio Tubije)Una sa mga kandidato sa pagkasenador na nagsalita si Ocampo. Ipinakita sa screen ang istorya sa pahayagan nang siya'y ipinakulong ng gobyernong Arroyo noong 2007 bilang bahagi ng panunupil sa oposisyon. Napawalang-sala rin ng Korte Suprema ang kongresista sa kasong rebelyon. (Rogelio Tubije)Ayon kay Ocampo, tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon ang susi sa tunay na pag-unlad ng bansa. Ipagpapatuloy umano niya sa Senado ang laban para sa ilang mga reporma at kontra sa anti-mamamayang mga polisiya at batas. (Rogelio Tubije)Sunod na nagsalita si Maza, na nakilala bilang tagapagtanggol sa karapatan ng kababaihan bilang kinatawan ng Gabriela Party-list. (Rogelio Tubije)
Una muna ay si Dolphy ang napunta sa Associated Broadcasting Corporation TV5 mula sa ABS-CBN. Pagkatapos ay nabalitaan at napatunayang si Maricel Soriano ay inempleyo na rin ng kumpanya ng telekomunikasyon ni Manny Pangilinan at bago ang dalawang bituin ay si JC de Vera’y nagliban na rin ng bakod at kasama na ng mga ito […]
Nagluluksa ang buong bansa sa kamatayan ni Dolphy at hanggang sa kanyang libingan sa Heritage Park and Crematory sa Taguig City ay namimighati ang mga nagmamahal sa komedyante. Pero sa kabila ng pagluha ay may halakhak din ang mga nalulungkot sa pagyao ni Mang Dolphy. Dahil nga sa preparasyon din niya sa ating lahat na […]
Nang mapag-usapan nitong huli si Dolphy – sa konteksto noon ng kanyang muntik-muntikang pagkamatay – at ang progresibong pagsusuri sa kanya, ang tanong ko: “Okey ba ang karakter niyang si Facifica Falayfay?” Sa isang banda, gusto kong magpatawa, na laging reaksyon sa pangalang iyan. Sa kabilang banda, talagang tanong ito sa ating panahong politically correct. Marami siyang napatawa, pero okey ba sa mga progresibo ang kanyang pagpapatawa? Ang posibleng sabit: ang pagganap niya bilang bakla
Nasusukat ang pag-ibig ni Kookoo Gonzales kay Patrick de la Rosa sa pamamagitan ng paglilingkod ng aktres sa aktor sa loob ng kulungan. Nabilanggo si Patrick sa alegasyon na siya ay nanggahasa ng isang dalawampung taong gulang na kolehiyala sa Regalia Condominium sa Cubao kamakailan. Si Kookoo ay ang mahalagang bahagi sa buhay ni de […]