Mga larawan: GMA, simbolikong ‘inaresto’ 1 araw bago bumaba sa puwesto

Tumungo sa Mendiola Bridge sa Maynila ang iba't ibang grupong progresibo para sa simbolikong "pag-aresto" kay Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, isang araw bago bumaba sa puwesto. Hinahamon nila si President-elect Benigno "Noynoy" Aquino III na parusahan si Arroyo para sa kanyang mga krimen laban sa bayan. (Soliman A. Santos)

Nagbihis na pawang mga detenido ang mga demonstrador at saka "inaresto" si Arroyo. (Soliman A. Santos)

Sa isang pahayag, sinabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, "Matagal na naming hinihintay ang sandaling ito (na bumaba si Arroyo sa puwesto). Simula bukas, siya na ang pinaka-wanted na kriminal sa bansa." (Soliman A. Santos)

Dagdag ni Labog, itinuturo ng kasaysayan na kailangan ang pagbabantay at tuluy-tuloy na pagkilos ng mga mamamayan para masiguro ang pagpapakulong sa isang dating pangulo. (Soliman A. Santos)

Sa footbridge, nagsabit ng higanteng mural ang progresibong mga grupo para isalarawan ang panawagang parusahan si Arroyo. Tinitingnan ito ng nagdaraang mga motorista. (Soliman A. Santos)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7983














[...] This post was mentioned on Twitter by Rupert Mangilit, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Mga Larawan: GMA, simbolikong 'inaresto' 1 araw bago bumaba sa puwesto http://bit.ly/cnkYwz [...]