'Legal na kotong.' Sa ganitong paraan inilalarawan ng Migrante International ang anim na buwang mandatory contribution na kokolektahin para sa Home Development Mutual (Pag-IBIG) Fund. Naging epektibo ang Republic Act No. 9679 o Home Development Mutual Fund Law, na nag-uutos sa iba't ibang sektor kabilang ang mga migrante na magbayad ng kontribusyon, noong Agosto 1. Ngunit dineklara na ni Bise-Pres. at Housing and Urban Development Coordinating Council Chair Jejomar Binay na isususpinde niya ang implementasyon nito. (Macky Macaspac)