Mga Larawan: Repormang agraryo, idineklarang bigo sa unang taon ng Carper

Sa unang anibersaryo ng pagpasa ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper) noong Agosto 6, nagsagawa ng kilos-protesta ang mga magsasaka dahil sa umano'y kabiguan ng batas sa repormang agraryo. Nagmartsa patungong Mendiola ang mga magsasaka mula sa Timog Katagalugan at Gitnang Luzon. (Macky Macaspac)

Isa sa pinakamatingkad na kaso ng kabiguan ng repormang agraryo ang kaso ng Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya Cojuangco-Aquino. Tahasang tinawag nila ang pangulo na "kontra-magsasaka" at kinondena ang militarisasyon sa asyenda. (Ilang-Ilang Quijano)
Isa sa pinakamatingkad na kaso ng kabiguan ng repormang agraryo ang kaso ng Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya Cojuangco-Aquino. Tahasang tinawag nila si Pang. Benigno "Noynoy" Aquino III na "kontra-magsasaka" at kinondena ang militarisasyon sa asyenda. (Ilang-Ilang Quijano)
Sinunog ng mga magsasaka ang gawa-gawang kopya ng dokumentong ibinibigay ng manedsment ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka bilang patunay ng kanilang shares of stock sa kompanya. Ginamit umano ang stock distribution option (SDO) para patuloy na makaiwas sa pamamahagi ng lupa. Nananatili ang opsyon ng SDO sa Carper o Republic Act 9700. (Macky Macaspac)
Sinunog ng mga magsasaka ang gawa-gawang kopya ng dokumentong ibinibigay ng manedsment ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka bilang patunay ng kanilang shares of stock sa kompanya. Ginamit umano ang stock distribution option (SDO) para patuloy na makaiwas sa pamamahagi ng lupa. Nananatili ang opsyon ng SDO sa ilalim ng Carper o Republic Act 9700. (Macky Macaspac)
Panawagan din ng mga magsasaka ang suporta sa lokal na produksiyon ng palay bilang solusyon sa "krisis sa bigas" bunsod ng sobrang importasyon ng bigas. (Macky Macaspac)
Panawagan din ng mga magsasaka ang suporta sa lokal na produksiyon ng palay bilang solusyon sa "krisis sa bigas" bunsod ng sobrang importasyon ng bigas. (Macky Macaspac)
Kabilang din sa panawagan ng mga katutubo kay Aquino ang pagpapalaya ng mga detenidong pulitikal na magsasaka na nakikipaglaban sa kanilang karapatan sa lupa. Pagbabasura sa mga kontra-magsasakang polisiya gaya ng Mining Act of 1995 ang kabilang sa kanilang ipinaglalaban. (Ilang-Ilang Quijano)
Iginigiit din ng mga katutubo ang pagpapalaya ng mga detenidong pulitikal na magsasaka na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa lupa at pagbabasura sa mga kontra-magsasakang polisiya gaya ng Mining Act of 1995. (Ilang-Ilang Quijano)