Mga Larawan: Mediation team ng SC sa Luisita, kinondena ng mga magsasaka

Nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita para iprotesta sa Korte Suprema ang pagbubuo diumano ng isang mediation panel para masolusyonan ang sigalot sa asyendang inaangkin ng pamilya Cojuangco. Ayon sa mga magsasaka, hindi na kailangan ng mediation panel dahil matagal nang nahusgahang di makatwiran ang iskemang stock distribution option (SDO) na ipinatupad sa asyenda at dapat nang ipamahagi ang lupain dito sa mga magsasaka. (Macky Macaspac)

Simbolikong sinunog ng mga magbubukid ng Hacienda Luisita ang diumano'y nilulutong "compromise deal" sa pamamagitan ng mediation panel na binuo ng Korte Suprema. (Macky Macaspac)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9337













