Mga Larawan: Paghahanda ng maralita ng North Triangle laban sa demolisyon

Sa tantiya nila’y bisperas ng pagdedemolis sa kanilang mga tahanan sa North Triangle, ipinakita ng mga residente ng Sityo San Roque na handa silang ipakita ang pagtutol. Hindi nila basta-basta isusuko ang karapatan para sa sariling tahanan at kabuhayan.

Walang tulugang binantayan ng mga residente ng Sityo San Roque sa North Triangle, Quezon City ang nakaambang pagdemolis diumano ng pinagkaisang puwersa ng militar, pulis, MMDA at lokal na gobyerno ang kanilang mga bahay, gabi ng Setyembre 22. (KR Guda)

Dala ang mga plakard na laman ang kanilang mga panawagan, nag-ingay at nagsindi ng kandila ang mga residente ng San Roque sa bahagi ng EDSA na malapit sa kanilang komunidad. (Darius Galang)

Isang mahabang linya ng mga kandila ang sinindihan ng mga residente ng San Roque sa vigil laban sa nakaambang demolisyon sa kanilang mga tahanan. (KR Guda)

Maraming bata ng San Roque ang lumahok sa vigil. (KR Guda)