Pinoy Weekly

Palpak, malayo’t masikip na pabahay sa Montalban, Rizal

Kabahayan sa relocation site sa Montalban, Rizal. (Macky Macaspac)

Kabahayan sa relocation site sa boundary ng Montalban sa Rizal: Mukhang subdibisyon sa ibabaw, pero masahol pa sa barung-barong sa loob. (Macky Macaspac)

Limang buwan pa lamang si Aling Jennalyn sa relokasyon ng National Housing Authority (NHA) sa hangganan ng Rodriguez (bagong pangalan ng Montalban), Rizal, pero pinagsisisihan na niyang nilisan nilang mag-iina ang barung-barong na tahanan sa Sityo San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

“Buong panahon, nakatanga lang kaming mag-iina rito. Wala kaming ginagawa. Walang trabaho,” sabi niya. “Ngayon lang talaga ako nakaranas ng buhay na walang-wala.”

Dokumentong nagsasabing kailangang bayaran ng bawat residente ng P140,000 sa loob ng 30 taon ang mga "bahay" sa relokasyon sa Montalban-Rodriguez. (KR Guda)

Dokumentong nagsasabing kailangang bayaran ng bawat residente ng P140,000 sa loob ng 30 taon ang mga "bahay" sa relokasyon sa Montalban. (KR Guda)

Namamasukan sa isang pagawaan ng aircon sa Maynila ang asawa. Noong nakaraang linggo, kinailangan pang mangutang para makaalis ng bahay ang asawa, para sa mahigit P200 pamasahe patungong trabaho.

“P400 lang kada linggo ang sinusuweldo niya. Kaya sabi ko na lang sa kanya, ‘wag ka na lang laging uuwi rito,” sabi ni Aling Jennalyn. Isang beses na lamang sa isang linggo umuwi ang kanyang asawa. Minsan, isang beses pa sa buong buwan.

Walang sapat na hanapbuhay ang mayorya sa mga residente ng relokasyon. (Macky Macaspac)

Walang sapat na hanapbuhay ang mayorya sa mga residente ng relokasyon. (Macky Macaspac)

Noong nasa San Roque pa, nagtatahi siya ng mga basahan na binebenta sa kalsada. Pero wala na siyang mapagbentahan sa Montalban. Sinubukan niyang magtinda, pero inutangan lang siya ng mga construction worker ng NHA, at tinakasan ang utang. Pero noong Abril, lumikas sila matapos masunog ang isang bahagi ng sityo. Misteryoso ang pinagmulan ng pagkakasunog. Natakot si Aling Jennalyn para sa kanyang dalawang maliliit na anak.

Kopya ng bill ng tubig, mula sa isang pribadong "distributor" sa lugar. (KR Guda)

Kopya ng bill ng tubig, mula sa isang pribadong "distributor" sa lugar. (KR Guda)

“May mga kapatid pa akong naiwan sa San Roque. Kung ako lang ang masusunod, maiiwan ako. Kaso natakot ako para sa mga anak ko,” aniya.

Isa si Aling Jennalyn sa mahigit 3,000 residente ng San Roque na boluntaryong lumipat ng Montalban dahil idedemolis na umano ang mga bahay sa North Triangle para bigyang-daan ang pagtatayo ng “Central Business District” sa lugar ng kanilang mga tahanan.

Noong Setyembre 23, tinangkang idemolis ng demolition teams ng National Housing Authority (NHA) ang mga bahay sa San Roque. Sinabi ng NHA na target nilang maubos ang mga bahay sa sityo sa loob ng pitong araw. Pero nanlaban ang mga mamamayan. Binarikadahan ang buong EDSA. Pinagbabato sila ng mga miyembro ng demolition team at marami ang nasugatan. Pero nanindigan sila.

Alas-dos ng hapon, naglabas ang korte sa Quezon City ng temporary restraining order sa pagdedemolis. Noong Sabado, Set. 26, si Pang. Benigno Aquino III na mismo ang napilitang magsalita hinggil sa isyu — sa gitna ng kanyang state visit sa US. Sinabi ni Aquino na inutusan niya ang NHA na huwag munang magdemolis hangga’t di masisiguro ang malilipatan ng mga residente ng San Roque.

Samantala, laman ng mga balita ang paglaban ng mga mamamayan ng San Roque.

Putikan pa rin ang marami sa mga kalsada sa relocation site tuwing umuulan. (Ilang-Ilang Quijano)

Putikan pa rin ang marami sa mga kalsada sa relocation site tuwing umuulan. (Ilang-Ilang Quijano)

email

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9837

Posted by on Sep 30 2010. Filed under Features, Istorya ng Linggo. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

17 Comments for “Palpak, malayo’t masikip na pabahay sa Montalban, Rizal”

  1. tatang 69

    delikado po yata diyan sa lugar na iyan baka gumuho pag malakas na ang ulan

  2. tatang 69

    sulong bawiin ang pilipinas sa mga gahaman

  3. rico jagonoy

    ndi nman akoh sa nangengealam peo ang gnitong mga bagay ay sadya tlgang ndi maiiwasana.

    ang mga larawan dito ay kuha pa nung kabaguhan palang ng relokasyon site ng montalban peo kung ating bibigyan pansin at pupunthan ang site na ito ay masasabi ninyo na mlaki ang pagbabago !!

    hindi ang gobyerno ay may kslanan marahil nakatakda ito sa atin ng poong maykapal !!

    anoh mahbagay na dmrating sa ating buhay ay pagsubok lamang !!

  4. Pinoy Weekly
    pinoyweekly

    Rico, maraming salamat sa komento. Ang mga larawan sa artikulong ito ay kuha noong mismong Setyembre 30, araw na inilathala sa website na ito ang artikulo. May karapatan kang paniwalaan ang mga pinaniniwalaan mo, pero may kongkretong batayang inilatag ang artikulo sa pagturol ng pananagutan sa pamahalaan. Salamat muli. – Patnugot

  5. RODEL NAVELGAS

    LILIPAT PA NAMAN KAMI

  6. ron zaito

    d2 nko nktira sa double L d hamak na man na ms maganda d2 kysa sa inalisan nmin nsa tao lng nman ang ikakaginhawa ng buhay nya ung nga taong ngsasabi d2 na pangit dpa nla kz nkkta d2.

  7. jun longno

    Lilipat pa namn kami, wag nyo nman sana kaming i discourage!!!! maganda naman ah, tingnan nyo kaya!! :-D

  8. Tinoy Santos

    Wag naman po!! bata pa ako, marami pa kong kakaining bigas, malapit pa naman kami sa creek!! :-D

  9. mai shirafune

    of all people… trying to discredit this article by posting different things. iisa lang naman sila. That goes for you jun longno or Tinoy Santos, or whatever email address or alias you will use. really stupid of you to do multiple posts while using a single IP address. to top that, ilang minuto lang pagitan.

    wenesday_18@yahoo.com
    125.60.243.121

    red_hamilton@yahoo.com
    125.60.243.121

    (calling hackers!! gusto nyo pasukin ang IP address na to? go go go! mabawas-bawasan ang mga makukulit na nagmamarunong.)

    edi lumipat ka kahit bata ka pa, no one’s discouraging you from now on, and kainin mo na lahat ng bigas na makakain mo. and dont forget to bring that smiley with you along. besides, nakita mo naman na edi go! (ewan ko kung paano ka nakapunta dun na mag-isa ka) ilalayo mo pa usapan sa pagiging skitso mo?

    maganda pala e, and marami na palang nagbago. basta, wag nyo kalimutang magdasal kapag dumating ang baha jan. dasal na lang siguro magagawa nyo after everything you said.

  10. Ariel Geda

    palagay ko ay ayos naman jan nasa descarte lang yan. Ako nga balak na tumira jan kaysa sa wala kang matirahan. May nagbebenta ba jan ng unit iinform ako.

  11. mai shirafune

    dude, that’s soooo easy. go to the nearest site na nakaranas ng demolition, and nakapagpapunta na ng residente sa Montalban. post your name, cellphone number, and address dun (i highly suggest gawin mo yung style ng mga tubero). for sure you will stumble sa mga bumalik sa maynila. isama mo na yung dalawa sa descarte mo tutal iisa lang kayo ng iniisip. (sarap, may supplier ka na ng bigas na kakainin!)

    dude kung hindi ka nag-iisip, ganito lang yung lohika ng sinabi mo:
    1) naghahanap ka ng nagbebenta ng unit. so malamang makakita ka nung mga bumalik from Montalban. sana naman naisip mo na ngayon kung bakit may mga bumalik na dito;
    2) ewan kung bakit feeling mo madiskarte ka kumpara sa mga bumabalik dito, so feeling mo/ninyo makakadiskarte kayo. kaya nga sila bumalik e. walang madidiskartehan dun; and
    3) you WILL find sellers of their units kung talagang bumalik sila. ’nuff said. (sige na nga, isasama ko na: uunahan na kita na kung may idea ka ng “muling pag-i’squat” ikaw pa mismo ang tutulong dun. diskarte mo nga naman dude, di ba? ikaw na!)

    so post your contacts there sa mga communities na dinemolish, (yung isang site pa nga, makakapag-mall ka pa pagkatapos mo mag-bargain hunt) and not in this website. mahihirap lang mga yon, hindi basta nakakapag-internet, di tulad mo na madiskarte. gamitin mo (o ninyo) yung diskarte mo/ninyo para kausapin sila na bentahan ka (kayo) ng unit. para makabalik sila dito at ikaw, kayo, dun dumiskarte, at tandaan, wag na kayong babalik ha? kahit mag-mall pa! dun ka dumiskarte ng pagma-mall mo! (wag mo ihambing ang mga mall dun at dito sa panggagalingan mo dahil panay papuri ka naman sa lugar, so dun ka na talaga tumira, mabuhay, and die!!!!!!!) go go go! (isama mo sarili mo sa pagdarasal na wag magbaha at maglandslide ha, araw-araw ha? diskartehan mo rin yun, ‘ne?)

    (idk why there are people na mga lusaw ang utak na post ng post dito at “diskarte ng diskarte,” hindi naman iniisip ang paikot ng logic nila o ang kahihinatnan ng “diskarte” nila. mga adik, dude… and, wrong spelling ka na naman. “diskarte” not the “RENE DESCARTES” -sounding spelling. oh, men… nuknukan ng kabobohan kung magsipag-iisip!!!)

  12. hindi lng yan ang problema sa ng sestema ng mga taga nha. kagaya ko na hindi naaprubahan dahil wala akong census sa na sabing lugar kahit na sabhin na matagal na akong nkatira san roque. my mga naaprubahan cla na hindi talag taga san roque na ang gnagawa pag tapos mkuha ang bahay ay kanikang ibinibenta (paper works ika nga) ung mga ducomento na ipinapasa
    samantalang ang dami dto na kulang lng sa papeles pero lihitimong taga rito 1 lng ako sa mga yan kaya d nila mabuwag ang san roque kc andto pa yung mga tunay na tumira ng matal na panahon sa san roque. salamat po ng marami. ( devil child 13 since 97)

  13. kayo na inaayos sa tama at maayos na lugar.dami nyo parin reklamo.siguro sa inyo lang ang palpkpak na systema ng buhay nyo.malayo man .mararating din sa tamang daan.masikip man.may masisilungan ka ng masasabing sayo na pinagkaloob ng may kapal.makuntento kayo kung anu na pinagkakaloob sa inyo.di puro negatibo at reklamo. kaya di tayo umaasenso sa ganitong pag uugali ng pinoyyyyyy.pasalamat kayo at nakikita tayo ng gobyerno na iayos noh.

  14. liza

    kung taga pasig ka sana sa pasig din ikuha ng lokasyon yun mga madidimolis hinde kung saan bundok doon dadalhin kailangan lang kami pag botohan mga devil talaga

  15. talaga namang palpak ang housing na yan….pero tanungin nyo mga sarili nyo….kung palpak yan at tinitirhan nyo pa eh di kayo ang palpak!!! walang ibang matitirhan??? palpak na katuwiran din yan kaya kayo talaga ang palpak!!!

  16. kashmir

    ahm.. good evening po. gusto ko lng po malaman sana kung paano po pumunta jan if manggagaling aq ng sm north?

  17. kashmir

    at tsaka nga po pala.. ahm, saan ko po kaya pwedeng makita yung listahan ng mga pamilya na galang sa bagong pag asa na pumayag po na lumipat na lng dyaan sa montalban?? meron po kasi aqng hinahanap na kakilala q. dati rin siyang taga sitio san roque. hndi ko po kasi masigurado kung lumipat na sila sa relocation sa montalban..thank you po.

Leave a Reply

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes