Sugod mga Kapatid

Reaksiyon


Mainit-init pa sa alaala ng marami ang umaatikabong Walkout nang biglang lumabas sa Inquirer ang isang artikulo ng di-umano nagtapos sa UP Diliman at nagtatrabaho bilang empleyado ng Armed Forces of the Philippines. Nagbabala ang awtor sa “infiltration” ng New People’s Army sa mga pamantasan, at inilista ang mga walang-tunay-na-pangalan na mga ehemplo ng mga kinabukasang sinira ng “NPA campus recruiters.” Sa huli, iprinoklama niya na “patay” na ang batayan ng rebolusyon ng NPA at pawang bandido nalamang ito na nangingikil sa mga mayayaman.

Mainit-init pa sa alaala ng marami ang umaatikabong Walkout nang biglang lumabas sa Inquirer ang isang artikulo ng di-umano nagtapos sa UP Diliman at nagtatrabaho bilang empleyado ng Armed Forces of the Philippines. Nagbabala ang awtor sa “infiltration” ng New People’s Army sa mga pamantasan, at inilista ang mga walang-tunay-na-pangalan na mga ehemplo ng mga kinabukasang sinira ng “NPA campus recruiters.” Sa huli, iprinoklama niya na “patay” na ang batayan ng rebolusyon ng NPA at pawang bandido nalamang ito na nangingikil sa mga mayayaman.

May kinalaman ba ang Walkout sa paglabas ng artikulo na ito? Sigurado yun. Ika nga ni Vencer Crisostomo ng Kabataan Party-list, pinanginig ng mga kabataan ang tuhod ng rehimeng U.S-Aquino sa araw na iyon. Binasag ng mga kabataan ang ilusyon na iilang mga maka-Kaliwa lamang ang galit kay Noynoy. Higit sa lahat, ramdam ng Rehimen ng iilang-libong nag-walkout ay maaaring magpakilos ng mas marami pa laban sa bulok nitong pamamalakad.

Inuudyok ng artikulo ang estudyante na mag-aral imbes na lumahok sa mga protesta. Katatawanan ang panawagan na ito, lalo pa kung sa konteksto ng Walkout. Kaya maraming kabataan ang lumahok dahil ang pag-kaltas sa badyet ng edukasyon ay magpapalala sa pagiging di-abot-kaya ng edukasyon sa nakararami.

Paano sila mag-aaral? Magtrabaho? Magnakaw? Magputa? Marami na ang gumagawa niyan, pero hindi pa rin nakasasapat. Handa ba ang AFP na tanggihan ang idadagdag sa pondo nila sa 2011 at ilaan sa mga State Colleges and Universities? Kung hindi rin nila gagawin yan, talaga namang malaking katarantaduhan itong sinasabi ng mga militar.

(E ano nga ba ang maaasahan natin sa grupo na lahat nalang, kulang nalang ay ang pagpako kay Hesus sa Krus, ay isinisi sa mga ‘komunista’?)

“Red-tagging”
at “Red-baiting” ang tawag sa ginagawa ng artikulo. Sa una, gumagamit ng “oversimplified” na pagsusuri para palabasing may ugnayan ang mga “underground dissenters” tulad ng NPA, at legal at konstitusyonal na mga kritiko ng gobyerno tulad ng grupo ng kabataan at estudyante. Sa pangalawa naman, hinahamon ng militar at gobyerno ang mga kabataan na kondenahin ang “underground dissenters” at kung hindi, sila ay wala daw pinag-iba sa kanila.

Ayon sa grupong Karapatan, ang “red-tagging” at “red-baiting” ay pamamaraan ng gobyerno at militar para gawing katanggap-tanggap ang pagpatay sa mga kritiko nito. Dahil may negatibong konotasyon ang salitang ‘komunista’ para sa marami, nababawasan ang galit ng mamamayan sa bawat pagpaslang na ginagawa ng AFP dahil “komunista naman” yung pinatay nila.

Naalala ko nga, nung dinukot sila Sherlyn Cadapan at Karen Empeño, dalawang lider-estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas at naging mga organisador ng magsasaka, ang sabi ng militar nun ay mga miyembro sila ng NPA. Nung pinatay sila Cris Hugo at Ambo Guran, dalawang lider-estudyante sa Bikol, sinabi ng militar na ang grupong kinabibilangan nila, ang League of Filipino Students, ay isang ‘communist front’. At nung naganap ang Hacienda Luisita Massacre, ang sabi ng militar ay ‘communist-infiltrated’ ang mga magsasaka.

Ang sabi ng dating lider-estudyante sa U.S na si Carl Oglesby, “It’s not the rebels who create the troubles, it’s the troubles who create the rebels”. Muli, ipinakita ng AFP ang kamangmangan nito dito. Ang winawakasan nila ay ang rebelde, hindi yung nagtutulak dun sa tao para mag-rebelde.

P.S Ngayon, pitong araw bago ang ika-100 araw ni Noynoy, naganap ang ika-14 na kaso ng extra-judicial killing sa ilalam niya. Si Rene ‘Toto’ Quirante ang taga-pangulo ng Kaugamon, ang chapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa Negros.