Bata, pinagpapapanggap ng militar na ‘child soldier’ ng mga rebelde?


Naalarma ang mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga bata sa penomenong paggamit ng AFP sa inosenteng mga bata at pagpapalabas na mga “child soldier” sila ng mga rebelde.

Child rights advocates na nagpiket sa Davao City para ihayag ang pagtutol nila sa paggamit ng militar sa mga bata para pumostura bilang "child soldiers" daw ng NPA. (Kontribusyon)
Child rights advocates na nagpiket sa Davao City para ihayag ang pagtutol nila sa paggamit ng militar sa mga bata para pumostura bilang "child soldiers" daw ng NPA. (Kontribusyon)

Naalarma ang child rights advocates sa Davao City sa napaulat na isang diumano’y batang mandirigma ang ipinarada ng 10th Infantry Division ng Philippine Army kamakailan.

Anila, iniharap umano sa midya ni Lt. Col. Gabriel Viray ng  84th Infantry Battalion ang isang babaing menor-de-edad na itinago sa pangalang Irish, sa isang lugar sa Toril District sa Davao.

Ayon kay Girley Layuguin, regional director ng Children’s Rehabilitation Center-Southern Mindanao Regional Office, nakaka-alarma ang mga “kalokohan” ng militar na bumibiktima sa inosenteng mga bata mula sa kanayunan na binabansagang batang mandirigma ng New People’s Army (NPA). Sinabi din ni Layuguin na maging ang mga bata ay hindi ligtas at diumano’y target ng pag-atake ng mga militar sa mga komunidad ng mga magsasaka, Lumad at Moro.

AFP-10th ID Huwag ninyo kaming idamay! Mga sibilyan kami! Ito ang laman ng plakard ng mga batang lumahok sa protesta. Kadalasan, kababaihan at mga bata ang biktima ng operasyong militar sa kanayunan. (Kontribusyon)
AFP-10th ID Huwag ninyo kaming idamay! Mga sibilyan kami! Ito ang laman ng plakard ng mga batang lumahok sa protesta. Kadalasan, kababaihan at mga bata ang biktima ng operasyong militar sa kanayunan. (Kontribusyon)

“Upang makalusot sa malalang paglabag sa karapatan ng mga bata na nasa sitwasyon ng armadong tunggalian, ang mga militar ay gumagamit ng sistematikong pagbansag sa mga bata bilang mga NPA,” pahayag ni Layuguin.

Idinagdag pa niyang “nakakalungkot” kung paano pinapasama diumano ng militar ang dignidad at karapatan ng mga bata sa pamamagitan ng pagturing sa kanila bilang collateral damage o kaya target ng lehitimong operasyong militar.

Ayon pa kay Layuguin, mula 2001 hanggang sa taong kasalukuyan, 22 batang biktima ng human rights violations ang umano’y pinaratangang kasapi ng NPA at MILF na kanilang naisadokumento,“ sa taong 2010 pa lamang. “Pitong kaso na ang aming naisa-dokumento sa buong rehiyon na saklaw ng pagkilos 10th ID,” ani Layuguin.

Iba pang paglabag sa karapatan ng mga bata

Inihayag naman ng pambansang tanggapan ng Childrens Rehabilitation Center na marami pang paglabag sa karapatan ng mga bata, bukod sa pagbabansag sa mga bata bilang mandrigma.

Umaabot sa 129, 087  ang bilang ng mga batang biktima ng paglabag sa karapatang pantao, maliban pa sa direktang mga namatay na umaabot sa 76 mula 2001 hanggang 2009.

Table 1. KILLINGS

Total: January 01 to March 31, 2010

Cause of Death

2001-2009

January to March 2010

total

Massacre

41

0

41

Summary Execution

27

0

27

Death due to Indiscriminate  firing/bombing

6

0

6

Assassination

1

0

1

*unknown cause

*2

*2

TOTAL

75

0

75

Table 2. OTHER VIOLATIONS

Total: January 01 to March 31, 2010

Human Rights Violation

2001-2009

January to June 2010

total

Frustrated Killings

57

1

58

Illegal Arrest and Detention

65

12

73

Torture

55

1

56

Abduction

10

0

10

Enforced Disappearances

3

0

3

Rape and Sexual Assault/Harassment

2

2

4

Displacement/Forcible Evacuation (w/o*2006-2008)

*128, 536

9

128,542

Use of Minors as guide or shields in military or police operations

21

1

22

Harassment/Intimidation/Threat

133

48

181

Physical Assault

42

3

45

Maiming

1

1

Orphaned *Jan-Sept 2009

*65

22

87

TOTAL

128,989

78

129,087

*data are subject to change anytime