Regulasyon ng matrikula sa pribadong pamantasan hiniling


Itinutuloy ng mga mag-aaral at kabataan ang kanilang laban sa edukasyon sa pagtatapos ng taon. At kung nauna na ang mga State Colleges and Universities, sinundan naman ang kanilang yapak ng mga mag-aaral sa Private Higher Education Institutions o HEIs.

Itinutuloy ng mga mag-aaral at kabataan ang kanilang laban sa edukasyon sa pagtatapos ng taon. At kung nauna na ang mga State Colleges and Universities, sinundan naman ang kanilang yapak ng mga mag-aaral sa Private Higher Education Institutions o HEIs.

“Sumabay kaming mga estudyante sa pribadong mga paaralan sa matagumpay na mga welga laban sa budget cut sa state universities and colleges. Noong nakaraan, nagiging katwiran ng mga may-ari ng pribadong mga paaralan na magtaas ng matrikula tuwing tumataas ang matrikula ng SUCs,” pahayag ni Jade Valenzuela, tagapagsalita ng koalisyong Rise Up! for Education.

Sa pagtatapos ng taon, ipinoprotesta nila ang masamang kalagayan ng private higher education,” ani Valenzuela.

Kasama niya ang mga mag-aaral mula sa University of the East, University of Sto. Tomas, Far Eastern University, La Consolacion College at Arellano University na nagprotesta laban sa pagpapatuloy na pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan

Tinungo ng mga lider-estudyante ang Commission on Higher Education (CHED) nitong umaga upang maghain ng pormal na reklamo kay CHED Chairperson Patricia Licuanan.

Laman ng liham ang mga kaso ng pagpataw ng ibang pribadong mga paaralan ng redundant fees at patuloy na imposisyon ng polisiyang “No Permit, No Exam,” isang paglabag sa CHED Circular Memorandum Order No. 2 (serye ng 2010) na malinaw na nagsasaad na “all HEIs shall allow students with delinquent accounts to take school examinations.

Kasama rin sa liham ang muling pagsasaad ng mga pinagkasunduan sa naunang diyalogo kay Licuanan at ng Kabataan Party-list. Kabilang dito ang pagtatalaga ng students’ grievance desk na mamatyagan ng Natuonal Union of Student Councils of the Philippines (NUSP), KABATAAN at ng CHED.

Saad sa liham ang mga sumusunod: “We would like to call your attention and seek your intervention on various cases and complaints that we have received. These cases range from unjust fee structures up to outright repression of students’ democratic rights. We are very much alarmed by these situations in various Private Higher Education Institutions (PHEIs) based in Metro Manila.”

“Maliban sa mga reklamo ng mga estudyante, may mga pagkakataong hindi sinusunod ng mga guro ang CHED Circular Memo No. 2,” dugtong ni Valenzuela.

Matapos nito, nagsama ang mga mg-aaral ng pribado at pampublikong mga paaralan upang magbuo ng isang “human chain” sa harapan ng Far Eastern University. Anila, pagpapakita ito ng kanilang pagbibigkis sa laban para sa edukasyon, kasama rito ang “tuition freeze” at regulasyon.

“Ang matagumpay na strikes sa SUCs ay patunay na handa ang kabataan upang sama-samang makibaka para sa kanilang karapatan sa edukasyon, upang baguhin ang sistema na nagnanakaw ng mga karapatan ng mga mamamayan,” sabi ni Einstin Recedes, tagapangulo ng NUSP.

Nangako ang grupo ng kabataan na ipagpapatuloy nila ang pagkilos sa susunod na taon, kaharap ng mga konsultasyon para sa matrikula.  “Under Aquino and Dr. Licuanan, there have been no moves yet that will change the deregulated character of private education,” dugtong ni Recedes.

We are aware that only through collective struggle can we pressure this administration to work against its nature. And what is needed, we will do. Thousands of youth will storm Mendiola in the first quarter of 2011,” ani Recedes.