Migrante

Larawan: 30 Pinoy sa Riyadh, naglunsad ng silent protest


Riyadh, Saudi Arabia-- May 30 manggagawang Pilipino ang naglunsad ng silent protest sa tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office noong Enero 22 dahil sa kawalang-aksiyon umano ni Labor Attache Albert Valenciano sa kaso ng mga distressed OFW. Isang taon nang tumigil sa pagtatrabaho sa Al Nusha Company at Afras Company ang mga manggagawa dahil sa di-pagbayad ng tamang sahod at iba pang paglabag ng kompanya sa kontrata. Pero anila, hanggang ngayo'y di pa inaaksiyunan ng POLO ang kanilang kaso. (Contributed Photo)