Di pagprayoritisa ni PNoy sa FOI Bill binatikos ng CEGP


Nagpahayag ng disgusto ang grupo ng mga manunulat pangkampus sa pagtanggal ng Palasyo sa Freedom of Expression (FOI)Bbill bilang isa sa priority bills ni Pang. Benigno Aquino III.

Nagpahayag ng disgusto ang grupo ng mga manunulat pangkampus sa pagtanggal ng Palasyo sa Freedom of Expression (FOI) Bill bilang isa sa priority bills ni Pang. Benigno Aquino III.

Ipinaliwanag ni Pauline Gidget Estella, pambansang deputy secretary general ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) na mahalaga ang FOI sa akses sa impormasyon ng madla laluna sa mga ahensiya ng pamahalaan na may itinatago.

“Ito ang dahilan kung bakit maraming mga mamamhayag, maging ang Commission on Audit, ay nagtutulak upang ipasa ang bill,” dagdag ni Estella.

Sinabi ni Estella na tila “hindi ata naiintindihan” ni Aquino ang pangangailangan ng FOI Bill sa laban sa korupsiyon at abuso sa gobyerno.

Puna ni Estella na matagumpay na sinisiil ng mga ahensiya ang kalayaan ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kani-kanilang guidelines. “Sabi ng administrasyon na kailangan nila ng panahon upang pag-aralan ang bill, ngunit maraming dekada na ang maaaring pagkunan ng aral. Walang magandang panahon upang ipasa ang bill kundi ngayon na.”

Pagtatapos ni Estella na mahalaga ang kalayaan ng impormasyon sa pag-unlad ng lipunan. “Kung pinapahalagahan ni Aquino ang kalayaan ng midya at ang akses ng mamamayn sa impormasyon, kailangang mag-isip ng dalawang beses ang gobyerno.”

Ang CEGP ang pinakamalawak at pinakamatagal na alyansa ng mga pahayagang pangkampus sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.