Pinoy Weekly

Katotohanan sa harap ng kapangyarihan: Panayam kay Marjohara Tucay, mamamahayag at ‘heckler’ ni Hillary Clinton

Sa gitna ng porum ni US State Secretary Hilary Clinton sa mga lider-kabataan, itinaas ni Marjohara Tucay, editor in chief ng Philippine Collegian ng UP Diliman, ang plakard kontra sa Visiting Forces Agreement o VFA at RP-US Mutual Defense Treaty. Ginanap ang porum sa National Museum sa Manila. (Joseph Morong)

Sa gitna ng porum ni US State Secretary Hillary Clinton sa mga lider-kabataan, itinaas ni Marjohara Tucay, editor in chief ng Philippine Collegian ng UP Diliman, ang plakard kontra sa Visiting Forces Agreement o VFA at RP-US Mutual Defense Treaty. Ginanap ang porum sa National Museum sa Manila. (Joseph Morong)

Hindi hiwalay sa lipunang kinikilusan nila ang mga mamamahayag. Sa ilang pagkakataong dama nila ang poot dahil sa nasasaksihang inhustisya o pagsasamantala, binibitawan nila ang titulo ng mamamahayag at nagiging mamamayan: Mamamayang tumitindig at naghahayag ng katotohanan sa harap ng makapangyarihan — at mapagsamantalang –puwersa.

Nakita na ito sa Iraq noong 2008, nang minsang binato ng isang mamamahayag na Iraqi ng sapatos si US Pres. George W. Bush. Sa Pilipinas, kung saan masigla ang kultura ng protesta at kilusang masa, may kasaysayan din ng paninindigan at “speaking truth to power” ang mga mamamahayag. Pero hindi ibig sabihi’y hindi na katangi-tangi ang ginawa ng isang campus journalist, si Marjohara Tucay, punong patnugot ng Philippine Collegian ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Naging intern din noong nakaraang summer ng Pinoy Weekly si Tucay.

Sa isang pagtitipon — A Conversation in Manila, with US Secretary of State Hillary Clinton — sa National Museum ngayong araw, ginawa ito  ni Tucay. Habang nagpapalakpakan ang ibang kinatawan ng mga estudyante matapos magsalita si Clinton, tumindig si Tucay, nagladlad ng plakard at humiyaw ng “Junk VFA (Visiting Forces Agreement)!” at humiling ng pagbasura sa RP-US Mutual Defense Treaty. “There is nothing mutual in the Mutual Defense Treaty!” ilang ulit niyang saad. Agad na pinaalis si Tucay sa naturang event. Kinapanayam ng Pinoy Weekly ang matapang na campus journalist matapos ang naganap.

PW: Sa anong kapasidad ka nakapasok sa event na ito?

Marjohara Tucay:
Invited sa event ang lahat ng EIC (editors in chief, ng campus publications) at Student Council Chair ng major universities (both private and public) sa Metro Manila.

Bakit mo sinigaw ang panawagang pagbasura sa VFA at MDT sa naturang event? Ano ang nagtulak sa iyo na gawin ito?

Bilang manunulat at patnugot sa isang progresibong pahayagang pangkampus, karaniwan na akong nagsusulat ng mga isyung patungkol, may kinalaman, o dudulo sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos. Matagal nang isyu ang VFA at MDT, at palagian naman natin itong pinapatampok at pinapaunawa sa mga mambabasa.

Ngunit kung magkakaroon tayo ng pagkakataong iparinig mismo sa isa sa mga pinakamataas na opisyal ng pinakamakapangyarihang bansa ang ating panawagan, hindi ba natin iyon susunggaban? Tayong mga kritiko ng relasyong RP-US ay laging nasa laylayan ng politikal na espasyo. At kung may pagkakataon para mabaliktad ang sitwasyong iyon, kahit mag-isa lang, gagawin natin. Sa diwa ng Occupy Movement, nararapat nating mabawi ang mga espasyong hindi pinapayagang mapasaatin.

Ang isyu ng RP-US relations ay isa sa mga pundamental na ugat ng krisis sa Pilipinas. At dapat lang marinig ng mga nasa kapangyarihan sa US ang tunay nating sentimyento ukol dito.

Ano ang naging reaksiyon ng handlers ni Clinton? Ano ang sinabi nila sa’yo pagkatapos ng iyong pagpapahayag?

Tahimik lang naman sila actually. Walang violence. Pinalabas lang ako.

May mga mga artista at personahe, mula kina Maxene Magalona at Heart Evangelista hanggang sa mga mismong mga mamamahayag sa mainstream media hanggang kay Prop. Winnie Monsod, na nagpahayag sa midya na  humahanga raw sila kay Hillary Clinton. Ano ang palagay mo sa kanila at sa kanilang paghanga sa isang kinatawan ng tinaguriang “imperyalismong US”?

Hindi natin dapat hangaan iyong mga nasa posisyon ng kapangyarihan ngunit walang ginagawa upang baguhin ang sistema. Oo, magaling sila — magaling sa pagpapanatili ng kasalukuyang sistema. Kung hahangaan natin ang mga gaya nila, para na rin nating hinangaan ang represibong sistemang kinakatawan nila.

NOTE: Paglabas ni Clinton sa National Museum ay dinagsa rin siya ng protesta ng kabataang miyembro ng militanteng mga organisasyon tulad ng Anakbayan at League of Filipino Students. Hinarangan at binato ng paint bomb ang kanyang konboy kaya napuwersa ito na umiba ng ruta. (Panoorin ang bidyo ng iglap-protesta, mula sa BBC na nakapaskil sa Huffington Post. Larawan dito.)

Pagsusunog ng militanteng mga grupo ng watawat na kamukha ng sa Estados Unidos na may nakasulat na "RP-US Mutual Defense Treaty" at mga bungo sa halip na bituwin. Ginanap malapit sa embahada ng US sa Kalaw Avenue, Manila noong Nob. 14, araw ng pagdating sa bansa ni US State Sec. Hillary Clinton. (KR Guda)

Pagsusunog ng militanteng mga grupo ng watawat na kamukha ng sa Estados Unidos na may nakasulat na "RP-US Mutual Defense Treaty" at mga bungo sa halip na bituwin. Ginanap malapit sa embahada ng US sa Kalaw Avenue, Manila noong Nob. 14, araw ng pagdating sa bansa ni US State Sec. Hillary Clinton. (KR Guda)

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=16545

avatar Posted by on Nov 16 2011. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

15 Comments for “Katotohanan sa harap ng kapangyarihan: Panayam kay Marjohara Tucay, mamamahayag at ‘heckler’ ni Hillary Clinton”

  1. avatar
    bossing

    nakakahiha editor in chief ka pa naman. dapat sayo ibartolina. konting civility at respeto lang ang kailangan. kahiya hiya ka. i firing squad ka sana.

  2. avatar
    markcontes

    “bossing,” talagang sobrang mahiyain ka ano? antapang-tapang mo, ni hindi mo magamit ang sariling pangalan at totoong email address mo para magkomento. si marjohara, ipinakita sa mundo ang mukha niya, pangalan niya, pananaw niya hinggil sa presensiya ng military ng US sa bansa. at, kung aaralin lamang ang kasaysayan, malalamang tama siya. ikaw? kahit magkomento rito, hindi mo mailadlad ang tunay mong pagkatao. Oo, hindi mahiyain si marjohara, kasi handa siyang humarap, confident siya sa mga paniniwala niya. ikaw, nagtatago sa pangalang “bossing.” sige, manatili ka na lang dyan sa bartolina ng isip mo.

  3. avatar
    bossing 2

    diskarte lang pilipino diskarte lang, kung inaakala niong maari taung gamitin ng US sa mga programang gusto nilang ipatupad, bakit hindi nio gamitin un para makabenefit tau? hindi tau uunlad sa sarili lang natin,,. kailangan natin sila. masakit man sabihin pero un ang totoo. walang bansang maunlad sa mundo na walang kano tandaan nio yan… kaya mahal kong kababayan, diskarte lang…un lang… MAYABANG ANG PILIPINO PERO HINDI PA NAMAN GANUN KADAMI ANG NAPAPATUNAYAN!!!! sana hindi na masundan ang ginawa nung editor na yan. focus on our job. journalist ka alalahanin mo yan. ibinababa mo kalidad ng jornalismo ng bansa!!!!!!! wala kang kwenta para sakin.!!!!!!

  4. avatar
    bossinginmomukhamo

    bossing 1: anong nakahihiya sa paninindigan? Ikaw ang mahiya dahil walang laman ang mga sinabi mo! at ang firing squad na winiwish mo, bagay na bagay sa pagiging atrasado mo: lumang kaisipan, lumang kabayaran. winner, hindi ba?

    bossing 2: kung kailangan mo ng maraming Amerikano, don, don ka sa US! Magsawa ka sa Amerikano. Teka, paano mo nasabing ibinaba ni Tucay ang kalidad ng pamamahayag? Ganito, punta ka na lang sa US. Isama mo si bossing 1 para mas masaya.

  5. sa pagkaalam ko walang umunlad na bansang hinawakan ng amerikano..yun lang..

  6. avatar
    Mark Acuna

    mga bossing… hindi kahihiyan ang ihayag na ang tratado (MDT) ay hindi pantay ang kapakinabangan sa ating Bayan dahil ito ay sa interes lang ng US. Lalo na kapag sa harap mismo ng may pakana nito ito sasabihin. Kung sa Iraq nga may nambato pa ng sapatos kay Bush dahil sa ngitngit sa pagsakop ng US upang ipakita ang disgusto nito.
    Isa pa, Ang Pilipinas ay hindi kailanman kailangan ang US para umunlad, sa takbo ng kasaysayan natin meron na tayong lipunan umuunlad bago pa man tayo sakupin. Ang kaisipang ang US lang magpapaunlad sa atin ay pananaw ng utak-kolonyal.

  7. Hindi sa lahat ng bagay na iyong pinaniniwalaan ay dapat tama. Ang medya ay dapat patas, kung lagi mo nga naman pinupublish sa papel mo ang about VFA and RP-US relationship ngunit lahat naman ito ay pag-atake lang wala ring silbi. You’re just feeding hate to the readers which was basely your opinion. Why no try exposing the good side and also the bad side, Why should it always be the bad side. Di naman siguro mangmang yung gumawa nung MDT kung puro US lang ang nakikinabang. What I mean is Filipinos should practice looking at the two sides of the coin specially those who are trying to pursue the field of Journalism. Feed your readers things that makes them a better Filipino and this start by being non-biased, objective and logical. I, as a common tao feel disgusted with what Tucay did instead of getting my sympathy and somehow my understanding I actually got shocked with the barbaric ways he took. TO think this person is coming from the most prestigious University in the country and in many ways should have expressed his sentiments in a civil and correct way. Siguro di na natin naalala si Rizal. Dahil si Rizal naging sibilisado at di naging barbaro sa pagpapahayag ng kanyang saloobin. Sa pamamagitan lang ng pagsusulat at hindi sa pagsisigaw sa kalye ay napukaw nya ang kamalayan ng mga Pilipino.

  8. avatar
    KRGuda

    ShadowofDoubt: Apat na punto lamang. Una, palagi naming sinasabi: Walang “objectivity” sa pamamahayag. Lahat po ng pamamahayag, laluna iyung nasa mainstream media, ay may kinikilingang interes. Ang tungkulin natin ay maging patas at “fair” sa pagkuha ng impormasyon, pero magaganap pa rin ang “value judgment” sa pagsusulat at paglalathala. Pangalawa, “barbariko” ang pagpoprotesta? Naku, nakaukit po iyan sa ating Saligang Batas. Batayang karapatan iyan ninuman. Pangatlo, maging si Jose Rizal ay nagprotesta, sa pamamaraang maaaring maihalintulad sa ginawa ni Tucay: http://www.joserizal.info/Writings/Letters/Family/1884-f-letters.htm. Pang-apat, naku, kailangan masusing aralin ang relasyong RP-US para makita kung gaano ka-tagibang ito, pabor na pabor sa US. Mahabang usapin ito. Pero puwedeng magsimula sa ilang artikulo dito sa Pinoy Weekly Online. Maaaring i-search mo rito ang “RP-US military relations” bilang panimula. Maraming salamat po.

  9. avatar
    james relativo

    Bossing2: “diskarte lang pilipino diskarte lang, kung inaakala niong maari taung gamitin ng US sa mga programang gusto nilang ipatupad, bakit hindi nio gamitin un para makabenefit tau? hindi tau uunlad sa sarili lang natin,,. kailangan natin sila. masakit man sabihin pero un ang totoo. walang bansang maunlad sa mundo na walang kano tandaan nio yan…”

    - Maraming bansang umunlad ng wala ang U.S. wala pong logic yung sinabi niyo. Parang jinustify niyo po na OKAY LANG masakop ng U.S., na okay lang na habambuhay tayong nakatali sa kanila. Dapat kang mahiya.

  10. KRGuda
    Ang pagbanggit ko ng “pagsisigaw sa langasangan” ay alusyon yun sa ginawa ni Tucay kung saan gumamit sya ng pamamaraan barbaro at kawalan ng modo. Sabi ko nga kung sa tingin nyo ay may mali dun sa RP-US relationship edi i lantad nyo di yung tela may relasyon yung Pilinas sa US or may nilagdaang kauusapan lamang ay nagrarally na agad ng walang TAMA at KONKRETONG kadahilanan. Alin ba sa probisyong iyon ang Mali. Isa isahin nyo para maintindihan o sadya nga lang gusto lang gumawa ng ingay at naging kontrabida na talaga sa US. Malinaw naman yung punto ko. Isiwalat nyo kung alin ba dun yung pinagpuputok ng butchi ninyo. Madali lang objektibo at may lohika.

    Sabi ko nga si Rizal kahit man may hinanakit sa mga espanol naging sibilisado pa rin. Kahit laman ng mga liham at ng mga literaturang kanyang isinusulat ay pagtutuligsa sa kasamaan ng mga Kastila ito pa rin ay naipapahayag sa sibilisadong paraan.

    Ang iyong opinyon tungkol sa mga broadkaster na di objectibo ay sarili mong pananaw. Ang pagbibigay mo ng suhistyon na basahin ang isang aritkulo dito sa PW tungkol sa RP-US relationship ay di masyadong makatutulong sa akin. Ako ay isang liberal at para sa akin mahalaga ang ibat ibang opinyon at pananaw ng ibat-ibang tao sa isang usapin. Ang artikulo ng PW ay maaraming magpapahayag ng isang panig lamang at di yun lohikal.

  11. avatar
    KRGuda

    ShadowofDoubt: Yun na nga. Hindi ito barbariko. Saang kumbensiyon mo ba napulot ang ideya na “barbariko” ang magprotesta? Nasakasaad nga sa Saligang Batas ang batayang karapatang ito. May puwang ang protesta sa sibilisadong lipunan. Katunayan, protesta ang isa sa pinakamataas na ekspresyon ng demokratikong karapatan, at protesta rin ang madalas na nagtutulak ng progresibong pagbabago sa anumang lipunan. Kaya malinaw pa sa sikat ng araw na hindi barbariko ang magprotesta. Kabaliktaran pa. Sabihin mo nga, ano ang barbariko, iyung manahimik sa harap ng matinding karahasan (dahil sa kasaysayan, US ang bansa na pinakamadalas at pinakamalupit sa paggamit ng pandarahas laban sa mamamayan ng mundo. Balikan mo ang kasaysayan: Mula Filipino-American War hanggang World War II hanggang Cold War at Vietnman War, hanggang Gulf War at “giyera kontra terorismo.”), o iyung magsalita laban sa karahasang ito sa pamamagitan ng pagkondena rito?

    Napakaraming datos, napakaraming impormasyon hinggil sa sinasabi dito sa Pinoy Weekly, sa sinasabi ni Tucay, sa sinasabi ko. Kung ayaw mo ako paniwalaan, sige, mag-isip ka sa sarili mo. At magbasa ka. Manaliksik ka. Hindi lang usapin ng opinyon ang penomenon ng imperyalismo. Usapin ito ng katotohanan. “Matter of fact,” kumbaga, at hindi “matter of opinion.” Verifiable ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa kasaysayan. Ito ang tinatawag na “obhetibong katotohanan” — katotohanang maaaring maberipika sa pamamagitan ng pag-aaral sa aktuwal na mga kaganapan sa kasaysayan. Iba ito sa “obhetibong tindig” daw ng mamamahayag, na isang mito dahil imposibleng maging obhetibo, at walang pinapanigan, ang mamamahayag sa kanyang ulat. Sabi nga ng mga nagtuturo ng pamamahayag, tungkulin ng mamamahayag na pumanig — sa katotohanan. Pumanig sa obhetibong katotohanan.

    Kaya gawin mo iyan. Ang liberal ay dapat na bukas ang isip, hindi iyung sinasabi agad na hindi sa kanya makakatulong ang mga artikulo samantalng hindi pa naman niya nababasa at nabeberipika ang mga ito. Isang mito ang sinasabing “may maraming panig” sa iisang usapin o penomenon na nabeberipika naman sa kasaysayn at reyalidad. Sabi nga ng kritiko, pilosopo at manunulat na si John Berger, wala namang dalawang panig. Ang mayroon, dalawang direksiyon. Kailangang mamili ka kung aling direksiyon ang gusto mong tahakin, at huwag magpadala sa agos ng nakagawian o pala-palagay.

  12. avatar
    Gemmalyn Masanga

    Good day!

    I am Gemmalyn Masanga, researcher of I Juander of GMA NewsTV. We are currently making an episode about Filipino hospitality in which we are featuring Mr. Marjohara Tucay of the Philippine Collegian.

    In line with this, we would like to request for permission for us to use your photo of Tucay at the forum of US State Secretary Hillary Clinton. The permission is for the local airing of the said episode on December 5; replay on December 10 and for our international airing.

    In return we shall acknowledge Viva Entertainment Inc. on the closing billboard of our episode. We will also make sure that proper courtesy will be given for the usage of the photos.

    We are hoping for your immediate and positive response on our request.
    Should you have any questions, you may get in touch with me through the GMA Trunkline (632) 982 7777 loc. 1430/1431. You may also contact me through my mobile at +63915-843-0721.

    Thank you very much!

    Gemmalyn Masanga
    Program Researcher
    gemmalyn.masanga@gmail.com

  13. avatar
    pinoyweekly

    Hi Gemmalyn, I emailed you. Thanks!

    -Editor

  14. avatar
    mai shirafune

    kataka takang may bossing dito. madiskarte pa. anong diskarte sa bartolina nun? ‘laking kabobohan talaga ng mga utak ng ganyang mga tao oo, ibinababa antas ng jornalismo? hind lang umayon sa gusto mong ayunan, hindi na mahusay? anghirap sabihin ng salita (yes im trying not to use the word) pero ikaw/kayo ang TANGA!!! dalawa pa alyas mo! TANGA, TANGA2!!!

    Veering away from that katangi-tanging (TANGI!!!! ok? clear?) heckler with two personalities, yes there’s one clear thing Mr. Guda have pointed out: objectivity. iisa lang ang papanigan ng isang tao sa dulo ng lahat lahat. kahit pa pinakanuknukang liberal yan. Try mo Mr. ShadowofDoubt, at hindi basta nakikita yung mga nasabi at pinagdikdikan na (sa iyo at sa karamihan) ng mass media. kaya nga may alternatibong midya, hindi na dapat nito bigyang pansin pa yung nasabi na ng MASS media (gets mo? oo damay ka jan bossing at ng alter-ego mo). Buti pa si Mr. Tucay, may napili. May pagsulong ng kanyang napili. At sa pahayag niyang “There is nothing mutual in the Mutual Defense Treaty!” clearly says what’s on his mind. Kaya tayo nagiging bobo’t TANGA (di ba bossing?) ay dahil pinapahaba natin ang litanya sa pag-aastang matatalino’t liberal tayo (at yes in the end ay nagpapaka-tuta tulad ni bossing, bossing2 at ng kung sinu-sino pang tuta). Pero wala rin naman paglalagom, and hence, walang patutunguhan sa huli (ewan ko na lang kung magmimigrate na lang si BOSSING sa US at ibartolina nya sarili nya dun, maghanap siya ng ibang kakantyawan nya dun, o dumiskarte ng ganun na ren yung alter-ego nyang si bossing 2 – feeling ko this dude’s a leech, what with how he says wnat’s on his mind, mangongopya ka siguro nung nag-aaral ka dude, ikaw ang nakakahiya).

    Hindi ba bossing? At kung hindi na-verify ng split personality mo yan, malinis ang conscience ko na i blurted out that word to you/him/her/it. anlaking mong T-A-N-G-A. SA AMERIKA MAG-PIKNIK, WAG KA NANG BABALEEEEEKKK!!!!!!!!!!! (haha that’s a nice feeling, walang kakunse-kunsensyang pagsasabi sa tanga na TANGA TALAGA sya hahaha. haha and kung sa perception mo’y walang kwenta si Tucay, MAS LALONG WALA KANG KWENTA! nuknukan na lang talaga kabobohan mo kung nakalimutan mo na ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw TANGA!!!)

    yebayebah mapagpalayang merry christmas! (pero dun ka sa US mag-snow at magbartolina sa sarili mo, bossing)

  15. [...] in an interview with PinoyWeekly, Tucay said that as a journalist, he has written and known many things about the [...]

Leave a Reply

Follow and Subscribe

Subscribe to me on YouTube

Pulsong Pinoy

Sa naging kondukta ng eleksyon, sa tingin mo ba ay kapani-paniwala ang magiging resulta nito?

View Results

Loading ... Loading ...

Editors’ Picks

Multimedia

Pinoy Print Issues

Log in | Designed by Gabfire themes